gaano na lámang akong napapagal

4.3K 71 2
                                    

(imperyor na salin ng " The Letter" mula sa komersiyal ng Indigo)


Gaano na lámang akong napapagal
sa di-matimping distansiyang sa ati'y
namamagitan.


Gaano na lámang akong nananabik
na marinig ang silbato ng recess.


Nalimutan mo na ba ako?
Nawalan ng ganang alalahanin ako?


Sabihin mong hindi ako sumusulat
sa isang kawalan, pagkat
                sa gayon matutulad


itong aking puso.


8 Hunyo 2015
2:06 nh







sintones (isang antolohiya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon