untitled 0.5

954 21 3
                                    

Hayaan mo akong maparam sa iyo
nang ika'y mabuhay magpakailanman
hindi sa karupukan ng kasalukuyan
kundi sa pag-asa ng bawat búkas,
na sumisilang sa iyo,
nabubuhay sa iyo,
ako.

Hayaan mo akong maparam na ngayon--
ito ang dakilang hangarin ko
na kung ang mundo'y nagpapahintulot
lámang na isa sa atin ang umiral,
ikaw na nga ang siyang nanaisin ko
(sa tabi mo ay ang búhay na waring
hindi ganoon nakaiinip hintayin
at kapagdaka'y tuluyang
wakasan).

Hayaan mo akong maparam ngayon
nang ako'y mabuhay.
Magpapatuloy ka:
umiiral ako sa iyo.


09 Pebrero 2014
11:05 ng

sintones (isang antolohiya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon