No Loitering

135 6 0
                                    

ayokong lumabas:
dahil sa init ng araw
bakâ masunog
ang puso ko't
pag-uwi ko'y
datnan mong
hindi na ako
nagmamahal

ayokong lumabas:
dahil mahal
ang mapalayô
sa píling mo
at bakâ maligaw ako,
hindi ko kabisado
ang mundong naglaho
ang yakap mo

ayokong lumabas
dahil ayoko:
subalit anong
magagawa,
kung di lang
kumakalam
ang mga sikmura,
ayoko sanang lumabas


18 Hunyo 2020 | 2:39 nh

sintones (isang antolohiya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon