hindi ko sinasadyang sumukat ng isang metro
ang mga yakap ko sa iyo: mga yakap na tanging
mga mata na lámang ang makapaghahatid
at makapaglalahad. sa halip na pananggalang,
ituring mo sana na mga halik ko ang bawat
maskarang nag-iingat sa iyo, nagpapanatili sa iyo,
sa lahat ng pagdating at paglisan ng mga araw.
at kung di maiiwasang sukatin ang pagitan natin,
alalahanin mo ako kada isang metro ng pangakong
kasa-kasama mo akong tulad ng isang nakatanaw
na buwan, nagbabantay sa mga sandali na higit na
madilim ang kasalukuyang gabí kaysa sa nagdaan.
31 Mayo 2020 | 12:46 ng
BINABASA MO ANG
sintones (isang antolohiya)
PoesíaSinasabing sinasalamin ng isang akda ang karampot na katotohanan ng búhay; at sa ganang ito, ng mga akdang naririto, ang búhay at katotohanan ay ipaparis sa isang berdeng sintones. Maasim, bubot, magaspang. At ang kasariwaan, marahil, ay ibibigay na...