CHAPITRE • UN (EDITED)

238 8 0
  • Dedicated kay Tresna Joligon
                                    

Mai's POV

Masaya kami ni Kuya...

... 'Yun ang naaalala ko.

I open my eyes as reality drags me where I should be. Lagi na lang ganito. Masaya ako tuwing nakikita ko si kuya, pero once na idinilat ko na ang mga mata ko, wala na siya.

Kuya, nandito na ko.

Tumingin ako sa mga estudyanteng papasok pa lang at sa napakalaking banner na nakasabit sa gate. Dito sa tapat ng Academy, nagsimula ang lahat.

After five minutes, napagdesisyunan ko nang pumasok sa loob at pumunta sa gymnasium. But something gives me a tremor.

Weird...

Liminga-linga ako sa paligid pero wala naman akong nakitang kahina-hinala. There's something wrong. Nakakakilabot. Parang... parang may nakatingin sa akin.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Baka hallucination ko lang. Sa paglalakad ko ay may nakita akong isang nerd.

I pity that nerd. He will be bullied habitually.

Ganun naman palagi, diba? Kahit sa mga novels, dramas, plays, shows, palaging nabubully yung mga nerds. It's all because of one reason --- they were weak creatures. Pinanganak para magpatalino at walang kakayahang ipagtanggol ang sarili.

Pero dahil sa mga salitang sinabi niya sa akin, that was stuck in my mind, nagbago ang mga pananaw ko bilang isang tao.

"Mag-iingat ka! Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo"

Nagulat ako ng pagpasok ko sa gymnasium. May nakita akong mga cubicles. Cubicles na sarado sa both sides at para sa iisang tao lang ang kayang makapasok.

Pinapapasok doon lahat ng bagong dating na estudyante. Initiation kung baga.

"Miss, bago ka lang dito, right?" tanong sakin ng isang lalaki.

"Yes, I am"

"My name is Caleb, Student Council President", he offer his hand but I didn't take it. That action was rude. Offering your hand first to a lady is disrespecting. Hindi niya ba yun alam? Gosh, S.C. President tapos ganun.

"Ako naman si Mai", pakilala ko sa sarili. I introduce myself just to show him that my parents raised me well.

"Pumasok ka lang sa isa sa mga cubicle doon. May makikita kang papel sa loob, basahin mo na lang", sabi nya sabay turo nung mga cubicles.

"Ah, ganun ba. Sige alis na ako"

I turn 180° then pumunta na ko sa mga cubicles. Habang naglalakad ako papunta sa mga cubicles parang gusto ko nang matunaw. Hiyang hiya ako sa mga pinagsasabi ng mga estudyante lalo na sa tatlong babae sa sulok na kung anu-ano yung sinasabi. Mahiya nga sila!

"Kinausap sya ni president Caleb?", sabi nung isa na hindi makapaniwala.

"Tsk! Flirt naman yan" kumento nung babaeng sobrang puti ng mukha, over-foundation. Wow, benta. Ako pa ang flirt! Kapal! Ang kapal talaga na mukha na siyang choco crinkles na tao.

"Sigurado nilandi lang nya si Caleb ko kaya kinausap sya.", untag naman nung aswang este nung isa pang babae.

Ang kakapal ng mga mukha, diba? Kasing kapal na yata ng swelas ng sapatos ko. Kung makapanghusga parang kilala na nila ako. Aish, isang beses ko nga lang kinausap, flirt agad! Speaking of flirt, baka sila yun. Mga hampaslupang bayawak na mukha lang ang maputi, hindi pa pantay! And take note, I'm not the one who made the first move. Duh!

Pagpunta ko sa tapat ng cubicle naghintay pa ako saglit dahil puno pa lahat. After a minutes, nakapasok na din ako sa loob.

Sa loob ng cubicle ay wala kang makikitang kahit ano, kahit nga upuan wala. Ang makikita mo lang ay isang papel na nakadikit sa pinto at isang maliit na box sa ilalim nito.

A Touch of Evil(SlowUpdate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon