Mai's POV
“Jeremiah, ano ba’ng gagawin natin dito?”
Nandito kami ngayon sa Chemical laboratory. Ako, si Zoey, si Mr. Bleach (Aiden) at yung kutung lupa (Jeremiah). May magaling na teacher kasi na nag-utos sa amin. Hindi naman sa tamad ako, pero para saan yung mga kamay at paa niya kung kami pa ang papakuhanin ng kailangan niya. Buset.
“May pinapakuha si Ma’am Faith”, sagot ni Kutung Lups sa tanong ni Zoey.
Visual lang naman yung kukunin namin dito, bakit kailangan pang kaming apat ang pumunta?
“Uy, bilisan niyo na lang diyan”, sabi ni Mr. Bleach.
“Aiden, ‘wag ka ngang ‘atat”, untag naman nung kutung lupa.
Nagsalita na ko, iba kasi yung pakiramdam ko sa lugar na ‘to. “Can you just make it faster?”
“Bakit, Mai? Scaredy Cat?”, bira ulit ni Kutung Lups. Tama lang pala talaga yung bansag ko sa kanya, isa siyang malaking kutung lupa. Hindi siya tao.
“Well… yeah. It’s creepy. Eerie”
He chuckles.
“Creepy? Ang cool kaya dito. Ang daming preserved insects and animals. Tulad nito, oh!”, sabay pakita sakin ang isang garapon.
Mother of cats and dogs!
Natahimik na lang ako. This is not a joke. Neither a frank. Dahil kung biro lang ‘to, pwes…
Hindi.Nakakatuwa. Hindi talaga.
Napansin ni Jeremiah na natahimik at natulala ako, “Natahimik ka diyan? Adik lang?”.
Lumapit si Aiden kay Jeremiah. Na-curios siguro siya sa hawak-hawak nito.
“Pare, ano yan?”, agad niyang inusisa ang hawak ni Jeremiah. Tulad ko nagulat din siya pero agad nagpakita ang takot sa kanyang mga mata. “Anak ng!”, napasigaw siya sa gulat. Agad niyang tinakpan ang mga mata ni Zoey. Ayaw niya itong ipakita sa kanya.
“Babes, ano ba! Tanggalin mo nga yang kamay mo! Hindi ko pa nakikita yung nasa loob ng jar!”, pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Aiden.
May sinabi agad si Aiden, almost a whisper, “Don’t dare to see it”.
“Pare, ayos ka lang ba? Ano bang nangyari? Si Mai natahimik, tapos ikaw naman nagkaganyan?”, nagtataka niyang tanong.
Tinignan na ni Jeremiah yung nasa loob ng jar. Agad naman niya itong nabitawan at naging dahilan ng pagkabasag nito. Nagpagulong-gulong yung laman ng garapon hanggang sa tumigil ito sa harapan namin. Lahat kami nakatitig lang maliban kay Zoey na natatakpan pa rin ang mga mata.
“Shit! Pare, tanggalin mo yan!”, sigaw ni Aiden.
“Hoy! Bakit ako?”, natataranta namang sabi ni Jeremiah.
Halatang hindi na kaya ni Aiden na makita pa ito, “Ano na lang… ahh… Sipain mo palayo!”.
Tanga. E, kung yung sayo kaya yung sipain ko, sasabihin ko dapat yan pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Siguro dahil… natatakot ako?
“Hoy! Ano nang nagyayari? Babes, tanggalin mo na sabi yung kamay mo. Ang daya niyo naman!”, reklamo ni Zoey.
Hindi pa rin matangal ni Aiden yung kamay niya dahil natatakot siya para kay Zoey samantalang nakatulala pa rin ako dun sa bagay na nasa harapan namin ngayon.
“San galing yan?”, tanong ni Jeremiah.
Malamang, sa tao.
“At bakit may ganyan dito?”, tanong din ni Aiden.
BINABASA MO ANG
A Touch of Evil(SlowUpdate)
Mystery / ThrillerYou came in this world alone.. So leave it exact.. The same way..