CHAPITRE • QUATRE(EDITED)

93 2 0
                                    

Mai's POV

 

“Whoa! ‘Wag  kayong  tumingin sa’kin ng ganyan dahil nang tinignan ko siya, nandito pa siya kaya umalis na ako kaagad”.

Kung hindi si Zoey, Aiden o si Jeremiah, then who?

Who would dare to get the freaking head of Rose? 

Who else know that we hid it under the sink?

Who would know that there was a head inside the laboratory?

“Kung hindi ikaw, sinong kumuha?”, tanong ni Zoey.

Natahimik kaming lahat. Parang lahat kami nag-iisip ng tamang salita na ibibigay. Dahil alam ko, isa lang sa’amin ang kumuha. Napakaimposible na may iba pang makaalam n’un.

Napakaimposible talaga.

Tumingin si Aiden kay Jeremiah. Tila may gusto siyang malaman, “Pare, ano ba! Walang nakikipaglokohan dito. Sabihin mo na kung saan mo tinago yung ulo!”.

Hindi ko na kayang magsalita. Masiyadong maraming katanungan ang laman ngayon ng isip ko.

Masiyado pang maaga. Bakit ngayon pa?

 

 

5:00 nandito pa ang ulo sabi ni Aiden. Pumunta ako dito ng 6:00 wala na yung ulo. So, the procurement was between 5 am and 6 am.

“Anong oras ka pumunta dito, Jeremiah?”, tanong ko.

“5:45? Ah, oo. Mga 5:45 ng hapon. Bakit?”, kaswal niyang sagot.

“Sigurado kang hindi ikaw ang kumuha?”, naitanong ko bigla. Bwisit, dapat sa utak ko lang yun, e.

“Pinagdududahan mo ba ako?”, walang emosyon niyang tanong. Kakaiba yun, dahil isang makasat na tao si Jeremiah. Ayon sa pagkakakilala ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. “Sye-syempre hindi no! Naninigurado lang. Pumunta kasi ako dito ng 6 o’clock pero wala na siya dito. So, I just thought that 15 minutes was too short to perform stealing”, mabilis kong paliwanag.

A Touch of Evil(SlowUpdate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon