Mai's POV
Nandito ako ngayon sa Computer Laboratory. Tinitignan ang laman ng flashdrive na mula sa bibig ni --ehem, Rose.
Damn.
Saan ako mag-uumpisa? Punong-puno ng mga files itong flashdrive. Nakakapagtaka rin na puro tungkol sa school ang laman nito, from the beginning ‘till the present time.
Gaano naman ‘to kaimportante na sinubo pa nito ni --ehem, Rose?
O baka naman isinubo ito kay Rose?
Tinignan ko yung unang folder, walang kwenta. Sunod ko namang tinignan yung second folder.
Yr. 1954
May laman ulit itong folder. At isa pa uli’ng folder. Dahil nagmamadali na ako, mabilis kong dinoble click. Nagulat na lang ako nang nabuksan ko ang huling folder.
It was an automatic video player.
“GOODBYE!”, sinundan ito ng napakalakas na halakhak ng isang taong nakamaskara.
“‘Goddamn it!”, napamura ako nang hindi sinasadya. Napatalon ako sa kinauupuan ko at dali-daling hinugot ang flashdrive. Napalakas yata yung paghugot ko kaya nagkapiraso-piraso ito, isama mo pa na nahulog ito at naapakan ko pa dahil sa gulat.
Pinulot ko yung mga piraso ng flashdrive, “Hassle, Mai. ‘Bat ang tanga mo? Peste”.
---
Uuwi na ko. Wala rin naman akong napala. Nakalimutan ko kasi yung sinabi niya…
‘Huwag kang magpapakita ng takot’
I checked my watch. It was already 6 pm. Gabi na pala, baka hinahanap na ko ni nanay.
At dahil sa pinakadulo at pinakataas pa ng building yung ComLab, madami-rami rin akong nadaanan na laboratories dahil lahat ay nasa 3rd at 4th floor at isa na doon ang ChemLab.
Napahinto ako sa tapat ng ChemLab dahil bigla kong naalala yung--ehem, ulo ni Rose na nilagay na lang namin sa sako sa ilalim ng isa sa mga lababo.
Luminga linga muna ako sa paligid at nang makasigurado na ako na walang tao ay pumasok na ako sa loob ng laboratory.
Pagkapasok na pagkapasok ko doon ay dumeretso kaagad ako sa lababong pinagtaguan namin ng ulo ni Rose.
![](https://img.wattpad.com/cover/6006952-288-k847197.jpg)
BINABASA MO ANG
A Touch of Evil(SlowUpdate)
Mystery / ThrillerYou came in this world alone.. So leave it exact.. The same way..