Chapitre • Sept(EDITED)

58 2 2
                                    

Mai's POV

Umagang-umaga naririndi ako sa tili ni Zoey.

“Maaaaaaaaai!”

Ano na naman ba? Gusto ko sanang sigawan pero alam mo naman yang si Zoey. Isip-bata, baka mag-tantrums pa.

“Morning”,  bati ko sa kanya nang nakalapit na sya sa akin.

“Morning. Sinundo ka ba ni Jeremiah kahapon?” , pagbubukas niya ng topic.

So, totoo pa lang pinasusundo ako ni Zoey kay Jeremiah

“Ha? Oo, sinundo niya naman ako” 

“Buti na lang. Aba kung hindi ko pa sinabing ililibre ko siya ng lunch ngayon, e hindi pa susunod sa utos ko”, reklamo niya. 

Kala ko naman kung anong drama na ni Jeremiah kahapon at may pasundo-sundo effect pa. Jusme! Kutung lupa susunduin ako? . Kahit kailan talaga ang takaw-takaw niya. Pero nakakapagtaka talaga yung mga sugat at pasa niya kahapon..

“Zoey, alam mo ba kung nasaan kahapon si Jeremiah bago niya ako sinundo?”, nagaalinlangang tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya na parang nakalanghap ng laughing gas. Creepy, “Bakit mo natanong ‘yan? Ayeeei! Anong meron sa inyo ni Jeremiah?”.

Eeew.

“Walang meron sa amin ng Kutung Lupa na yun! Bahala ka na nga diyan! Kung ayaw mong sagutin yung tanung ko, e ‘di wag”, at ang sunod na scene, walkout ang lola niyo.

Kainis talaga ‘tong si Zoey. Bwisit. Umagang umaga. Haaaaynako.

“Hoy! Joke lang naman ai”, hinabol niya  ako at pinulupot ang braso niya sa braso ko. “Jeremiah was at the guy’s dorm before he makes sundo sundo you. Doon siya nakatira now, e. Bandang back ng school. That’s why I made him to sundo you like *flip ng hair* nasa school’s area lang siya always”. 

Define nganga. Grabe lang ka-conyohan ni Zoey. Ibang level!

Lagi siyang nasa school area. Kung galing siya sa boys dorm that time,  saan niya nakuha ang sugat at pasa niya?

“Sige Zoey, alis muna ako. Kita na lang tayo mamaya sa classroom. May naalala kasi ako na nakalimutan ko na dapat ko palang gawin”,  paalam slash palusot ko kay Zoey saka patakbong pumunta sa Computer Lab

“Eh?”, nasabi ko na lang nang marating ang computer lab.

Malinis! Malinis ang buong lab ngayon na parang bago ito. ‘Ni isang patak ng dugo ay wala ka nang makikita. Kahit ang mga bakas ng pako na ginamit sa pagpapako ng katawan ni Harvey ay wala.

Lumapit ako sa sofa na hinigaan ko kahapon at tinignan. Tama nga ang hinala ko dahil maging ito ay pinalitan na ng bagong sofa.

Naiinis na sinabunutan ko ang sarili. Naiinis ako sa sarili ko dahil ngayon ko lang ito naalala at naunahan na nila ako. 

Paalis na ako ng lab nang makita ang isang papel sa may computer na ginamit ni Harvey. Hindi ito masyadong halata dahil nakaipit iyon sa may ilalim ng keyboard.

Tinaas ko ang keyboard at kinuha ang papel sa ilalim nito nang may nahalata akong kakaiba sa keyboard. Tinignan kong mabuti ito at hinawakan ko pa para malaman kung ano ito.

“B..Bl…blood…?” 

Natatakpan ng dugo ang letra sa keyboard. Inalala ko tuloy ang pinag-aralan namin tungkol dito. Pinasaulo kasi sa amin ng bwisit naming teacher ang pagkakasunod ng mga letra sa keyboard.

“A…S…D…F…”, dahan dahan kong inisa-isa ang mga letra. Natatakot sa kung ano ang malaman. “G…H…”, at voila. 

“J”! J.. Jeremiah? 

A Touch of Evil(SlowUpdate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon