Singkos’ POV
“Aray! Ano ba? Pakawalan niyo ako”, sigaw ng maarteng babae habang tinatali ko ang mga kamay niya.
“Shut up. Bakit ba kasi nagising pa itong maingay na ito?” Naiinis na tanong ni Tres habang tinatakpan ang tainga niya.
We’re here at our dearest school. We’re doing our business here and that’s... alam niyo na kung ano.
“Bilisan mo nga diyan. Ang kupad, e”, angal sa akin ni Dos. Kung makapagreklamo parang nakakatulong siya.
“Tsk! Sabihin mo manlalandi ka na naman kay Uno kahit hindi ka niya gusto”, bulong ko. Narinig yata ni Tres kaya nagsumbong ang loko.
“Dos, wala ka raw pag-asa kay Uno sabi ni Singko”, sumbong ni Tres kay Dos habang nakangising nakatingin sakin. Traydor ang mokong.
“Anong sabi mo?” paasik na tanong sa akin ni Dos.
“Wala. Ang sabi ko pahingi akong packing tape para manahimik ang maingay na babaeng ito”, sabi ko sa kanya. Aba’t mahirap na baka magalusan pa ang mukha ko kapag nagpangabot kaming dalawa dito.
“Catch!” sigaw sa akin ni Kwatro. Sinalo ko ang packing tape na hinagis niya.
“Sorry babe, but you need to go out of the scene. Masyado na mahaba ang mga taon na ginugol mo sa paaralang ito”, sabi ko sa maingay na babae habang nilalagyan ng packing tape ang bibig niya.
“Hmm!” Nagpumiglas pa siya pero wala na siyang nagawa.
Pagkalagay ko ng tape sa bibig niya, lumayo na ako dahil tapos na ang trabaho ko at turn naman ni Tres para gawin ang trabaho niya.
“Bye bye, Ma’am. See ‘yah in hell.” Sabi niya habang hawak ang isang dagger. Pfft. Nakakatawang tinawag niya pang Ma’am ang babaeng iyon.
UNO’s POV
“So, ano na ang susunod nating gagawin?” Singko asked while putting those dirty feet on my table. Disgusting.
“Feet off my table. Mamili ka, ikaw magtatanggal niyan o ako?” I asked back while giving him a pick-the-first-choice-or-I’ll-rip-off-your-stupid-feet glare.
“Sabi ko nga, tatanggalin ko na” Binababa niya na ang kanyang paa. “ So, ano na?”
“Alam mo kung anong sagot ko so why bother to ask me?” Tanong ko sa kanya.
“Wala lang. Just to make sure. I don’t want to be a nuisance in this game.” Sabi niya habang nilalaro ang dagger sa kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
A Touch of Evil(SlowUpdate)
Mystery / ThrillerYou came in this world alone.. So leave it exact.. The same way..