Mai's POV
“Nasaan na yun? Anaknang!”
Kanina pa ako naghahanap sa buong kwarto. Kakauwi ko lang galing sa school. Wala akong ideya kung bakit wala ang kahon ni kuya sa ilalim ng kama ko.
Damn that crap! Where the hell is the box?
Mabilis akong lumabas ng kwarto at hinanap si nanay. Nadatnan ko siyang naghahain ng pagkain sa mesa.
“Nay, nakita niyo po ba yung kahon sa ilalim ng kama ko?”, diretso kong tanong. Bakas ang hingal at kaba na baka nawala na talaga iyon.
“Kulay itim ba na kahon? Naglinis ako kanina sa kwarto mo tapos nakita ko yung box at sinubukang buksan. Sa kuya mo iyon, hindi ba? Itinapon ko na dahi---”, Nanay’s mid-sentence was cut by my rude reply.
“Don’t touch my things next time, will you?”, I shouted.
Tumakbo ako palabas to check if the box is still at the trash can.
Then suddenly a 4 year old kid speaks nearby while holding a box. “Kuya look! A black box. Isn’t it so rare?”.
I run towards the kid like a wild lion ready to eat his flesh.
“Give me that!”, inagaw ko ang box mula sa bata saka siya itinulak.
“Ouch!”, cried the kid.
I was about to turn 180° but the elder boy; the kid was with, speaks up.
“Miss, ‘bat mo naman tinulak yung bata? Napulot lang niya yan. Wala kang karapatang saktan siya”, said the angry guy.
I smirked, “So, what are you fighting for, shithead? Going to report me to police?”.
He frowned, “Ang gusto ko lang mag-sorry ka sa ginawa mo sa kapatid ko”.
“Aww. Such a sweet brother. Trust me; you’re going to lost her in no time. Bye”
Tumalikod na ako at pumasok na muli sa bahay. Naalala ko ang kuya ko sa kanya. Protective pero ang sarili niya mismo hindi niya naipagtanggol. Naaawa ako sa kanya at sa kapatid niya. Iiwanan din nila ang isa’t isa sa hinaharap.
“Mai!”, tawag sa akin ni nanay. Hindi ko siya pinansin bagkus ay dumiretso papunta sa kwarto at nagkulong.
Binuksan ko ang kahon gamit ang susing binigay sa akin dati ni kuya at isa-isa kong tinignan ang mga laman nito. Mula sa mga gamit ni kuya na nakalagay dito hanggang sa mga bagay na ako na mismo ang naglagay.
Habang nakatingin ako sa mga gamit ay nahagilap ng mata ko ang flashdrive na nasira ko dati. Kailangan ko itong ayusin. Pero sino ang tutulong sa akin?
[Kinabukasan]
“Zoey, may kilala ka bang magaling sa electronics?”, tanong ko.
“Ano bang ipapaayos mo?”, balik na tanong niya.
At kailan pa naging sagot ang tanong sa isang tanong? Si Zoey talaga, medyo mentally challenged.
“Flashdrive”, halos sarkastiko ko nang sagot.
“Kung flashdrive lang naman pala kay Harvey mo na lang ipaayos”, sabi nya sa akin.
“Harvey? Sino naman iyon?”
“Mai, yung totoo? Hindi ka ba nangingilala ng kaklase natin?”, walang kwenta niyang sagot. “ Si Harvey, yung cute na nakaupo sa may harapan. President ng ComLab. Ano ba yan!” dagdag pa niya.
Malay ko sa Harvey na yun.
“Sa tingin mo papayag kaya siya?”, nagaalinlangan kong tanong.
“Iyon pa! Hindi nga iyon makatanggi sa mga babae, e. Kaya nga kawawa siya sa mga kaklase natin lagi siya bugbog sarado sa mga favor nila.”.
BINABASA MO ANG
A Touch of Evil(SlowUpdate)
Mystery / ThrillerYou came in this world alone.. So leave it exact.. The same way..