Chapitre • Huit(EDITED)

56 2 0
                                    

Mai's POV

“Sorry”

She glared at me, “What’s your problem, miss?”.

I stare at her blankly, “I’m sorry. Ok?”.

Her glare turned into a fiercer look, “So, sorry lang? Alam mo ba kung gaano kamahal itong sapatos na tinapakan mo? You’ll--“.

I cut her mid-sentence and blankly replied, “I won't stoop to your level, miss. Kung hindi mo matanggap ang sorry ko, then that would be your problem and I don’t care”.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ng hindi lumilingon sa kung sino mang nabangga ko. Ang lakas ng pinuputok ng butse niya, e. Sapatos lang na natapakan akala mo ginahasa ko na siya.

Papunta ako ngayon sa Library para gawin ang report ko. Halos dalawang linggo na ang nakakaraan buhat nang makuha ko ang sulat at halos dalawang linggo na ring hindi maayos ang tulog ko.

Hindi na siguro nakapagtataka kung parang zombie akong naglalakad  dito at walang kamalay-malay sa paligid ko.

Booogsh. 

 Nabangga na naman ako kaya lalo tuloy akong nainis, “Hanep naman! Kanina niyo pa ko binaba-- Ay! Sorry”.

“It’s alright, miss”

“Sorry talaga. Natapon pa tuloy iyang hawak mong kape sa Polo mo. Ikaw kasi, e!”, sabi ko sa kanya nang mahalata ko ang mantas sa polo niya.

“Ayos lang talaga ako kaya hindi mo na kailangang mag-alala pa. And, may dala naman akong pamalit sa car. Alis na ako”, paalam niya sa akin.

Nang mawala na siya sa paningin ko, doon ko lang napansin ang isang ID sa sahig kaya tinignan ko kung kanino iyon.

“Clarrenz Vincent Aguas”, basa ko sa pangalan na nakalagay sa ID na parang familiar and at the same time, tinignan ko na din ang picture kaya nalaman kong doon sa may lalaking nakabunggo ko kanina itong ID.

But wait. Bakit parang familiar ang pangalan niya? Tsaka, bakit hindi ko  siya nakikita, e kaklase pala namin siya?

Nagpatuloy na ako sa pagpunta sa library at hinanap ang libro na kailangan ko. Ang kailangan ko kasi ay Earth Science book. Nasa Science section, shelf 45, row 3. Nasa dulo.

Habang binabaybay ko ang library, na puno ng alikabok, nadatnan ko ang History section. Nakalagay dito ang mga Year books. Huminto muna ako dito para tignan ang mga nakalagay.

Binuksan ko na ang kauna-unahang yearbook na nakuha ko sa gilid. One word na pwede kong i-describe dito ay “weird”. Hindi siya tulad sa mga typical yearbook na makikita mo na ang laman ay puro graduates. Dito, ang makikita mo ay ang mga freshmen at nasa dulo ang mga graduates.

Sinubukan ko pang tingnan ang kalahating bahagi ng yearbook. At first ,expected kong makikita dito ay mga naging activities nila, pero hindi, e. Ang nakita ko dito ay mga graduaties, pero ang picture na nakalagay ay litrato nila noong mga freshman hanggang junior palang sila.

Nagulat ako ng nakita ko ang mga pictures sa second part ng yearbook dahil halos dalawampu’t limang litrato ang may ekis.

“Para saan ito?”, naguguluhang tanong ko sa sarili ko.

Tinignan ko muli ang mga grumaduate at ang second part ng yearbook. 

Isa lang ang napansin kong weird…No. Superweird.

Dahil ang ibang pictures, makikita mo ang pagbabago sa buong apat na taon pero ang may mga ekis ay hindi. May parang tatlo o dalawang taon lang ang pagbabago at ang iba ay wala talaga dahil paulit-ulit lang ang picture nila sa apat na taon.

A Touch of Evil(SlowUpdate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon