Chapitre • Six(EDITED)

86 2 2
                                    

Mai's POV

“Yow Mai, what’s up?”

Sandali akong napahinto. Hindi ko kasi inaasahang nandito pa rin siya sa school.

“Anong ginagawa mo dito?”, tanong ko nang makabawi na sa pagkabigla.

“Bakit, Mai? Hindi mo ba nagustuhan ang nakita mo?”, tanong niya.

Muli na namang naguluhan ang isip ko. Alam niya ba? Pero paano?

Kumunot ang noo ko saka nagtanong muli, “Anong pinagsasabi mo?”.

Napakamot ito sa batok at inilagay ang dalawang kamao sa bulsa, “Tsk! Wala. Pinapasundo ka pala ni Zoey kaya bilisan mo na”.

Anong nangyari sa kumag na yun? Sumungit bigla. Bipolar.

Nauna siyang maglakad habang nakahalukipkip. Sumunod ako sa kanya para umuwi. Kasalukuyan kaming naglalakad nang mapansin kong pawis na pawis siya. Hindi lang iyon, idagdag pang may mga pasa at sugat siya sa mukha at braso niya. Hindi ko ito agad napansin dahil may kaputian siya kaya parang ang linis-linis niya pa rin.

Pero mukha pa rin siyang Kutung Lupa. Swear.

“Kutung Lupa! Anyare?”, siniko ko bahagya ang braso niya.

Napaatras at napahawak naman ito bigla sa parte ng braso niya na siniko ko. Biglang sumama ang tingin nito sa akin. Yung tinging sarkastiko. Letche, bipolar nga.

Ngumiti ako na pang-inis, “Masakit?”.

“Ay hindi. Nakaka-relax”, he said in sarcasm.

Natawa ako. Konti lang naman, waley kasi yung pagkakasabi niya, “Anyare?”

“Heto, pogi pa ri-- Aray!”, napahawak siya sa batok niya. “Mai, ano ba?”, naiinis nitong sigaw.

“Masakit? Gusto mo dagdagan ko? Ano ba kasing nangyari? ‘Bat may pasa at sugat ka?”, tanong ko sa kanya.

“Nadapa ako”, kaswal niyang sagot. Insert famous Lady Gaga song ‘Poker Face’.

“Wow! Imba. Nadapa lang may sugat at pasa na?”, sarkastiko kong untag. Ang sarap niyang asarin, promise. Namumula yung tenga.

“Whatever. Puma-”, I cut him again.

“Angelina, ikaw ba yan?”, sabi ko sabay tawa.

“Shut up. Pumasok ka na nga sa bahay mo. Tsaka anong kutung lupa pinagsasabi mo? For the nth time, Jeremiah ang pangalan ko”, tinulak niya ako papasok sa bahay.

Nakatalikod ako habang tinutulak niya. Nang tumigil na siya sa pagtulak, humarap agad ako sa kanya pero likod na lamang ng isang Jeremiah ang nakita ko habang tumatakbo. Ang weird, parang may iniiwasan siyang tanong.

Bakit siya nasa school kanina? Heck! Impossibleng susunduin niya ako dahil utos lang ni Zoey. Hinding hindi gagawin iyon ng Jeremiah na kilala ko at bakit kaya ganoon yung itsura niya? Parang nakipagaway, e. Ang brutal naman ng pagkakadapa niya para makakuha ng ganoong klaseng hiwa at pasa at saka sa lagay na iyon hindi na pagkakadapa ang tawag doon. It’s either masyadong OA yung katangahan niya o sangkot siya sa isang away, gulo o… patayan? Ewan!

Shocks! Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Anong ibig sabihin ng tanong niya sa akin kanina at bakit nandoon siya sa tapat ng computer lab the exact time na nakita ko si Harvey … na parang… na parang planado ang lahat.

Jeremiah, do you have a dark secret?

Singko’s POV

Naaayon ang lahat sa mga plano ko. Sigurado akong naguguluhan na siya ngayon sa mga nakita niya. Maglalaro muna tayo, Mai. Pero sa larong ito, buhay ang nakataya.

Good Luck.

Uno’s POV

Nandito na naman yung maingay na babae.

“May bago na naman palang nadagdag sa collection mo”, she said while holding a jar.

“What do you think? Pretty, right?”, I asked, proud to have that thing.

“Maganda, pero saan mo naman iyan ilalagay kung punung-puno na itong kwarto mo ng collection mo at saka nasan na ba si Singko?”

“I don’t know. That freak leave after he gave this”

 “Umalis kaagad? Nagiging busy yata siya these days at lagi siyang wala paghinahanap ko siya”

“Yes. This girl made him so busy”, sabi ko sabay bigay ng isang litrato sa kanya. 

“Maganda”,  matipid nyang sabi

“Where’s Tres and Kwatro?”, I asked.

“Ayun! Sabi ni Tres magdadate ‘daw’ silang dalawa,  mga loko-loko talaga. Uno, akin na lang yun, ah?”, sabi niya sa akin sabay turo sa isa sa mga collection ko.

“Hindi pwede”, mabilis kong tanggi.

“Bakit naman hindi? E, ano pang gagawin mo doon, may bago ka na. Ang damot mo naman!”, sabi niya habang naka-pout. Isip-bata.

 “Umayos ka nga,  hindi bagay sayo. Talagang hindi ako papayag  na kumuha ka ng isa sa mga collection ko, baka mamaya gawin mo lang target practice. Remembrance ko kaya ang mga ito”, sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang takip ng magdadagdag sa mga collection ko.

“Bahala ka na nga. Sige, alis na ako. Ciao!” paalam niya sa akin.

Inilibot ko ang mga mata ko sa buong kwarto at naghanap ng space na pwedeng paglagyan nitong hawak kong garapon. Habang inililibot ko ang aking mga mata sa buong kwarto isa lang ang naiisip ko at iyon ay hinding-hindi ako magsasawa sa mga collection ko.

Mga pasalubong sa akin ng mga kagrupo ko, simbolo na natapos nila ang misyong pinapagawa ko sa kanila. Kung baga nga, remembrance ko ito sa mga naging misyon nila. Ang ulo at braso ni Rose, ang puso ng mga traydor kong magulang at ibat ibang parte ng katawang ng lahat na pinatay at pinapatay ko sa kanila. At ngayon ang pinakabago sa mga collection ko, ang mga mata ni Harvey.

Tumingin ako sa litratong nakapatong sa lamesa ko. Ang larawan na pinagkakainteresan ni Singko ngayon.

“Be careful, beautiful fella’, malapit lang sila sayo.  May mga taong akala mong kakampi mo pero hindi naman pala at ang mas malala ay kalaban mo pala. Mga taong pumapatay at pinaglalaruan ka lang. Mag-iingat ka dahil baka mamaya, mamalayan mo na lang na wala na ang lahat ng taong mahalaga sayo dito  sa mundo”

I was about to left my room when I remember something.

“By the way”, I face again the picture. “You look like an angel while sleeping, Mai Reyes”.

A Touch of Evil(SlowUpdate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon