Chapter Two

46.4K 837 24
                                    

Chapter 2

Mga katok sa pintuan ang gumising kay Ayessa. Nang pagbuksan niya ay ang kanyang ama pala. Naniningkit ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

"Ayessa, bakit hindi pa nakaayos? Hindi ba malinaw ang sinabi ko sa 'yo kagabi?"

Napa-'ha' na lang ang dalaga. Ano ba ang pinag-usapan nila kagabi ng ama?

"Dad, I'm still sleepy. Puwedeng later na lang natin pag-usapan? Please?" Napahikab pa siya dahil talaga namang inaantok pa siya. Paano ay buong magdamag niyang hinintay ang tawag ni Alfred pero wala hanggang sa nakatulugan na lang niya.

"Mamaya na ang flight ko at kaya kita ginising ngayon ay para maghanda na ng mga gamit mo. Ihahatid na kita sa bahay ni Leandro."

Doon na nagising ang diwa ni Ayessa. Urgh! Oo nga pala! Antok na antok na kasi siya kagabi kaya nakalimutan na niya ang mag-ayos.

"I'm sorry." Hinging paumanhin ni Ayessa. "Mag-aayos na ako. Fifteen minutes. Promise!"

Tumango lang ang kanyang ama habang siya ay mabilis na nag-ayos. Kilala niya kasi si Apollo. Kapag hindi na ito sumagot at tinanguan lang siya ay siguradong galit na ito. Ilang sandali pa siyang nag-ayos at sa wakas ay natapos na din siya. Lumabas na siya at doon ay naabutan niya ang ama at nandoon na din si Leandro. Akala ko ba ihahatid ako ni Daddy? Seryoso na nag-uusap ang mga ito at nang makita siyang palapit ay biglang nagbago ang expression ng mga ito.

"Kuya Leandro, nandito ka na pala. Sinusundo mo na ba ako?" Nakangiti niyang tanong dito.

"Yeah. Ayoko na kasing maistorbo ang Daddy mo kaya kusa na akong nagpunta dito. Anyway, akin na 'yang mga gamit mo." Kinuha na ng binata ang mga maleta sa kanya at nilagay na sa likod ng sasakyan nito.

"Leandro, ikaw na ang bahala kay Ayessa. I'm counting on you."

"Don't worry, ako na ang bahala."

"Ayessa, be a good girl okay? Huwag mong pasasakitin ang ulo ni Leandro." Paalala sa kanya ng ama.

"Of course Dad. Mabait kaya ako. Anyway, happy trip, Dad. Ingat ka."

Tumango lang si Apollo at hinalikan sa noo ang anak. Matapos magpaalamanan ang mag-ama ay pumasok na si Ayessa sa loob ng kotse at ngayon nga ay nasa biyahe na sila papunta sa townhouse ni Leandro sa Pasay.

"Is he okay? Why do I have this feeling na may hindi magandang mangyayari?" Bigla ay nasabi na lang ni Ayessa.

"Nami-miss mo lang siguro siya, Ayessa. You love your father so much, right?"

"Hmm, siguro nga. Kasi naman ngayon lang yata nagkaroon ng business trip si Daddy na matagal." Yes, ngayon nga lang. Mula nang dumating siya noong isang taon ay kalimitan kasi ay umaabot lang ng two o three days ang business trip nito pero ngayon ay wala itong sinabi kung kailan uuwi. Basta ang sabi lang ay matatagalan. "Anyway, Kuya Leandro---"

"At habang nasa pangangalaga kita. Start calling me Leandro." Nakakunot ang noo na binalingan ni Ayessa ang binata. Tumaas ang isang sulok ng labi niya para sana magsalita pero inunahan na siya ng lalaki. "You heard me, right? Ayoko na tinatawag mo na Kuya."

"Bakit naman? Saka nasanay na ako na tawagin ka na Kuya."

"Believe me. Hindi mo na kakailanganin na tawagin akong Kuya lalo na kapag---"

"Kapag?" Nabibitin niyang tanong.

"Nothing. Basta huwag mo na akong tatawagin na Kuya, okay? Kapag narinig kita ay may parusa ka."

"And what will be my punishment?"

"Torrid kiss."
_____

Pagkarating sa townhouse ni Leandro ay inihatid na siya ng binata sa kanyang magiging kuwarto. Sa totoo lang ay nakaramdam siya ngayon ng ibayong pagkailang matapos ang pag-uusap nila sa kotse kanina. Hahalikan daw siya nito kapag tinawag na 'Kuya'? Torrid kiss? E, paano iyon? Nasanay na siyang tawagin ito na 'Kuya' dahil pagkabata pa lang ay iyon na ang tawag niya dito. Leandro is her big brother--- or do she need to call him that way?

Seducing LeandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon