Chapter Three

47.4K 814 24
                                        

Chapter 3

Ilang araw pa ang lumipas at tuluyan na ngang nakalimutan ni Ayessa ang panloloko sa kanya ni Alfred. Syempre ay sa tulong iyon ni Leandro na palagi siyang pinapasyal sa tuwing off nito sa trabaho. Sa totoo lang, sa tuwing magkasama sila ng binata na namamasyal ay hindi maiwasan ng iba, lalo na ng mga babae ang mapalingon sa kanila. Kitang-kita na naiinggit ang mga ito sa kanya dahil kasama niya ngayon ang isang napakagwapong lalaki.

Yeah. Leandro is gogeously handsome. Kailan lang niya napansin iyon. Kung hindi pa niya ito nakita na naliligo sa swimming pool nito ay hindi niya maa-appreciate ang magandang katangian nito. Honestly, sa paningin ni Ayessa ay mas bagay na maging modelo si Leandro kaysa ang maging business man. Siguradong mas maraming babae ang hahanga dito.

Bigla siyang napatingin kay Leandro na maganang kumakain. Kasalukuyan kasi silang nag-a-almusal.

"Leandro, may girlfriend ka na ba?" Tanong ni Ayessa. Hindi na rin siya naiilang kapag tinatawag niya ito sa pangalan nito. Kumbaga nasanay na rin siya.

Bigla namang napangiti si Leandro.

"Bakit mo naman naitanong 'yan?"

"Curious lang ako. Kasi ang tagal ko na rin dito sa bahay mo pero wala akong napapansin na babae dito."

"Iyon ba? Wala akong girlfriend ngayon."

"Bakit naman? Sa gwapo mong 'yan wala man lang ikaw nakuha?"

"Gwapo ako?"

"Oo naman! Kung hindi ko nga alam na thirty five ka na ay iisipin ko na same age lang tayo."

Its true. Hindi halata sa anyo ni Leandro ang edad nito. Saka kung pumorma pa ay daig pa ang isang twenty year old na lalaki dahil sa lakas ng appeal nito. Si Leandro kasi ang tipo na hindi pang-boy next door, hindi rin pang-prinsipe ang dating. May aura kasi ito na parang isang tingin lang ay kailangan mo ng sumunod. Saka ang mga mata nito kapag tumititig ay tagus-tagusan. And she really like it. Napalabi na lang siya sa huling naisip. She like it?

Oh my God! Gusto ko ba talaga? Bigla ay nag-init ang magkabilang pisngi ni Ayessa.

"Mahirap na kasi na pumasok sa seryosong relasyon. Saka na lang siguro kapag kailangan ko na mag-lie low sa business."

Napalabi bigla si Ayessa. May bigla kasi siyang naisip.

"So, paano ang physical needs mo? I mean, are you living in celebacy?"

Sa tanong na iyon ni Ayessa ay biglang humagalpak ng tawa si Leandro. Hawak-hawak pa nga nito ang tyan na akala mo ay sumasakit na sa kakatawa. May nakakatawa ba sa tanong niya?

"Nakakainis ka!"

"Ano ba kasi 'yang tinatanong mo sa 'kin, Ayessa? Tell me, curious ka pa rin ba?"

"O-oo,"

"Hindi ako martyr para tiisin ang sarili kong pangangailangan bilang lalaki, Ayessa. Wala man akong girlfriend pero may mga fling naman ako, alam mo na."

"Fling? At your age?"

"Yes. Why?"

"Hmm, wala naman." Umiling na lang si Ayessa at hindi na nagtanong pa. Sa totoo lang ay bigla siyang naloka sa mga narinig niya. Ah, kasalanan naman niya. Kung bakit patanong-tanong pa siya ng mga ganoong kaselang bagay malamang na sasagutin siya ng prangka ni Leandro.

"By the way, ma-le-late ako ng uwi mamaya kaya ikaw na ang bahala dito sa bahay, okay?"

Tumango lang si Ayessa. Ilang saglit pa nga ay umalis na rin ang binata para pumasok sa trabaho nito. At siya, naiwan na naman dito sa loob ng bahay. Kung sana ay puwedeng hilain ang araw para dumating na ang off ni Leandro ay ginawa na niya. Nabo-bored talaga siya dito sa bahay. Gustuhin man niyang bumalik sa modeling agency para makakuha ng mga endorsements ay hindi niya magawa. Bukod sa ayaw na niyang magsangga ang landas nila ni Alfred ay pinagbawalan na rin siya ni Leandro na bumalik pa doon. Hindi naman siya umalma sa suhesyon ng lalaki dahil nawalan na rin naman siya ng gana sa pagmo-modelo. Kaya lang naman siya napasok sa trabaho na iyon ay dahil sa pang-eenganyo sa kanya ng mga kaibigan. Tapos ay nakilala pa niya si Alfred na siyang naging inspirasyon niya noon.

Seducing LeandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon