Chapter One

54.9K 870 149
                                        

Chapter 1

After one year...

Napatitig na lang si Leandro sa isang litrato kung saan kasama niya si Ayessa. Mga bata pa sila noon. Siya ay fifteen at ito naman ay lima. Nakakandong pa sa kanya ang batang si Ayessa at nakayakap ang mga maliliit na braso sa kanyang leeg. Pero ngayon ay ibang eksena na ang pumapasok sa isip niya habang nakatitig sa litrato. Ang dalagang si Ayessa daw ay nakakandong sa kanya ay malayang nagtataas-baba habang umuungol daw.

Oh shit! Malala na ako!

Marami na siyang babae na nakasama pero sadyang iba ang naging dating sa kanya ni Ayessa. At sa totoo lang ay hindi niya akalain na lalaki na maganda ang dalaga. Paano noong bata kasi ito ay medyo chubby ito at naalala pa nga niya na bungal ito at bulok ang ngipin sa ibaba. Minsan nga ay naaabutan niya ito noon na puno ng nagkalat ng tsokolate sa bibig. Napangiti siya nang maalala ang ngiti nito noon na walang ngipin sa harapan. Pero ngayon ay iba na. Napakaganda ng ngiti nito. Bigla ay napailing si Leandro. Hindi niya talaga nakilala si Ayessa. Kung makilala niya na ito ang bata na kinakarga niya lang noon ay hindi talaga siya mahuhumaling sa ganda nito.

Hindi nga ba? Nakuwestyon niya tuloy ang sarili.

Napapikit na lang si Leandro. Noong sampong gulang ito ay isinama ito ng ama ni Apollo sa Italy upang makasama ang apo. Doon na rin nag-aral si Ayessa. Mula nang umalis ito ay hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon upang makausap ito kahit na sa telepono o sa mga social media sites. Ang ama naman nitong si Apollo ay madalas na dumadalaw sa Italy upang kumustahin ang anak. Nagkukuwento ang kanyang kaibigan tungkol sa anak nito pero hindi niya napagkaabalahan na tingnan ang mga pictures ng nagdadalagang si Ayessa. He was busy that time. Hindi na niya inaatupag ang magliwaliw sa internet dahil abala siya pagpapalago ng kanyang negosyo. Nagmamay-ari kasi si Leandro ng isang ng isang kumpanya kung saan sila ang nagdi-distribute ng mga linen na ginagamit sa mga hotel.

Inilapag na lang niya ang hawak na litrato sa lamesa at sumandal sa kanyang swivel chair. Kahit anong pagpapantasya niya kay Ayessa ay hindi maaari. Anak ito ng kaibigan niya at hindi naman siya bantay-salakay para ahasin ang anak ng kaibigan. Isa pa ay sampong taon ang agwat ng edad nila ni Ayessa. Napailing na lang siya. That's a serious matter. Biruin mo, kung liligawan niya si Ayessa ay kailangan niyang habulin din ito. Kailangan na makasabay siya sa mga uso sa panahon nito. Kailangan na hindi siya maiwan. Kailangan na mapanatili niyang matikas ang kanyang anyo upang maipagmalaki siya nito sa mga kaibigan.

"Sir, nandito po si Mr. Apollo Rodriguez." Tunog ng intercom ang nagbalik sa kanyang isipan.

"Papasukin mo."

Ilang sandali pa siyang naghintay at maya-maya lang ay nasa harapan na niya ang kaibigan na si Apollo. Sinalubong niya ito at nakipagtapikan ng balikat.

"Napadaan ka?" Nakangiting tanong ni Leandro nang makaupo na sila.

"Yeah. Importante lang." Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Its about Ayessa."

Biglang napaayos ng upo ang binata pagkarinig ng pangalan ng dalaga.

"What about her?"

"Its a personal matter pero hindi ko lang maiwasan ang mag-alala para sa kanya." Paunang salita nito. "Meron siyang boyfriend ngayon. Pinakilala niya sa 'kin last week pero wala akong tiwala sa lalaking iyon."

"So? What's the connection?" Kunwari ay parang balewala niyang sabi kahit ang totoo ay may umusbong na selos sa puso niya. Damn! Why do he need to feel that way?

"Natatakot ako na baka lokohin siya ng lalaking iyon. My instinct is telling me to be careful with that man."

"Baka takot ka lang sa sarili mong multo, pare?" Natatawang sabi ni Leandro.

Seducing LeandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon