Chapter 4
Buong magdamag na hindi nakatulog si Ayessa dahil sa nangyari kahapon. Paano ay naaalala niya ang katawan ng binata na nadikit sa katawan niya. Ang init na nagmumula dito at ang mabango nitong amoy na talaga namang nananatili sa kanyang pandama. Pakiramdam pa nga ni Ayessa ay nakadikit na iyon at kahit na wala naman ang binata sa paligid niya ay nasa sistema na niya iyon. Parang naka-program pa nga sa kanya at walang kahit anong switch ang magagamit upang i-off iyon.
Is she sexually attracted? Bigla siyang napabangon at natampal ang sarili ng literal. Paano naman siya naging sexually attracted? Wala namang ginagawa ang binata upang ma-attract siya.
O, akala ko lang iyon?
Naalala tuloy ni Ayessa ang mga itinuro sa kanya ng modeling instructor. Tinuruan siya nito kung paano ang tamang paglakad sa ramp stage na may kasamang pang-aakit, pati ang pag-pout ng lips upang ma-attract ang isang lalaki. Pero hindi naman ganoon ang ginagawa ni Leandro. Urgh! Maybe it is his natural charm. Nahuhulog si Ayessa sa natural na karisma ni Leandro.
Aminin man niya o hindi, kahit na mas may edad sa kanya si Leandro ng sampong taon ay hindi nakabawas iyon sa gandang lalaki nito. Sa totoo nga ay mas nakadagdag iyon upang maging mas attractive ito. At para sa mga katulad niyang babae ay mas prefer niya ang mga lalaking mas may edad sa kanya. Para kasi kay Ayessa ay mas sweet ang mga ganoon at matured pa mag-isip. Kaya nga niya sinagot si Alfred dahil anim na taon ang agwat ng edad nila. At si Leandro naman sampong taon.
Oh God! Talagang attracted ako sa kanya! Naramdaman ni Ayessa ang pag-iinit ng kanyang pisngi.
Ngayon ay tuluyan nang na-realized ni Ayessa ang bagay na iyon. Yeah. She is sexually attracted! Kay Leandro pa! Napa-face palm na lang siya. Nakakahiya kapag nalaman iyon ng binata! Kababae niyang tao tapos siya pa talaga ang unang na-attract. But come to think of it, attracted din kaya si Leandro sa kanya?
Bigla tuloy napaisip si Ayessa. Hindi naman sa assuming siya, infact, may mga katangian din naman siya na maaaring maging trigger upang ma-attract ang isang lalaki sa kanya. Bakla lang siguro ang hindi maakit sa kanya.
Heart shaped ang hugis ng mukha niya, matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Bilugan ang kanyang mga nangungusap na mga mata. At kung katawan lang din ang pag-uusapan ay may maipagmamalaki siya. Mayaman ang kanyang dibdib--- na ipinagpapasalamat niya na lumaki dahil noong teen ager siya ay talagang flat chested siya, naisip nga niya na siguro ay late bloomer siya. Ang kanyang baywang ay maliit at kayang-kaya na hawakan. Maganda rin ang hugis ng kanyang puwet at sigurado si Ayessa na kahit sinong lalaki ay maa-attract.
Ngunit ang tanong ay attracted ba si Leandro sa kanya? Napabuntong hininga si Ayessa. Baka sa pagkakataong ito ay nagiging assumera siya. Nakakahiya nga 'pag ganoon.
"Ayessa?"
Mga katok sa pintuan ang nagpatigil sa pag-iisip ng dalaga. Nasa labas ngayon si Leandro. May biglang naisip na gawin ang dalaga. Ngayon niya masusubukan ang kanyang charm. Kailangan na ma-attract din sa kanya si Leandro. Dapat na mutual ang feelings. Hindi maaari na siya lang ang sexually attracted. But, what happen next? What will be the next move? Kung mapatunayan man niya, ano na ang gagawin niya?
Urgh! Bahala na!
Kaya naman bumaba na siya sa kama at bahagyang inilihis ang strap ng suot niyang negligee. Gusto niyang makita ni Leandro ni maputi niyang balikat. Napangiti siya. Alam niya kasi na kahinaan ng lalaki ang isang magandang tanawin na tulad sa kanya.
"Bakit Leandro?" Mapang-akit ang boses na sabi niya nang pagbuksan ng pinto ang binata. Nakipagtitigan din siya sa mga mata nito at mula doon ay nakita niya kung paano nito hagurin ang katawan niya. She can't blame Leandro. Ang suot niya kasi ay isang manipis na citru na negligee kaya kita ang balat niya. At ngayon lang naalala ni Ayessa na wala pala siyang suot na bra kaya paniguradong bakat ang kanyang dibdib. Nang tingnan niya si Leandro ay nakatingin nga ito sa kanyang dibdib. Well, okay lang. Atleast, dito ko malalaman kung attractive ba ako sa paningin niya.
BINABASA MO ANG
Seducing Leandro
RomanceLeandro and Ayessa Isang napakagandang babae ang nakita ni Leandro sa party ng kanyang kaibigan na si Apollo. At sumpa man ng binata, gustong-gusto niya na puntahan ang babaeng iyon at dalhin sa isang madilim na sulok upang doon ay kuyumusin ng hali...