Chapter 6
Nanatili lamang na tahimik si Ayessa. Hindi na lang siya nagsasalita tungkol sa nangyari sa kanila ni Leandro noong isang linggo. Pero hindi din naman niya kinakausap ang binata. Paano ay naiilang siya at iyon ang ikinaiinis niya. Kapag nagtatama ang mga mata nila ni Leandro ay wala siyang makita dito. Wala kahit ano. He acts as if everything is alright where in fact hindi naman dahil sigurado na siyang may naganap nga ng gabing iyon. Nang i-check niya kasi ang kanyang katawan ay meron siyang kiss mark sa dibdib at meron din sa puson. Alam niyang hickey iyon dahil sa intense na halik ni Leandro.
Pero hanggang foreplay lang ang nangyari sa kanila. Hindi siya nito tuluyang inangkin. Noong nakaraang araw ay nagpunta siya sa isang Gynecology para magpa-check up at doon ay nakumpirma niya na birhen pa rin siya. Napabuntomg hininga siya. Hindi niya talaga alam kung alam kung bakit napapatay-malisya si Leandro at iyon ang dapat niyang alamin.
Kaya ngayon na wala si Leandro sa bahay ay papasukin niya ang kuwarto nito. Maaga kasing umalis binata upang mag-jogging sa labas kaya siya lang ngayon mag-isa dito. Magagawa niya ang kanyang plano. Nang nakapasok naghanap siya ng bagay na maaari niyang gawing ebidensya. Pero pinagpawisan na siya at lahat ay wala siyang nakita. Paano ba niya mapapatunayan ang isang alaala na itinatanggi ni Leandro?
Napailing na lang siya. Wala naman siyang mahanap na ebidensya kaya siguro mas mabuti na komprontahin na lang niya si Leandro. Pipilitin niya itong sabihin sa kanya ang nangyari. Bahala na kung pagtawanan siya nito o kung tumanggi man basta paaaminin niya ito.
Lumabas na siya ng kuwarto nito at bumaba sa sala. Hihintayin na lang niya si Leandro. Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng tawanan. Isang babae at lalaki. Nang tingnan niya mula sa bintana ay nakita niya si Leandro na nasa labas ng gate. May kasama rin itong babae at sa nakikita ni Ayessa ay parang nilalandi ng babaeng iyon ang binata. May binibigay na tupper ware ang babae at tinanggap naman iyon ni Leandro. Ngumiti ang babae na may kasamang haplos pa sa dibdib ng binata pagkuway tumingkayad pa at tila may binulong kay Leandro na ikinangiti naman nito. Matapos niyon ay umalis na ang babae at si Leandro naman ay pumasok na.
Nakasimangot na sinalubong niya ito sa may pintuan.
"What's with you? Ang aga-aga nakasimangot ka." Natatawang sabi nito sa kanya pagkuway dumeretso na kusina at inilapag doon ang tupper ware na dala.
Sumunod naman si Ayessa at nakahalukipkip pa na hinarap ito.
"Nagugutom ka na ba?"
"Hindi ako gutom. May gusto lang akong kumpirmahin sa 'yo." Huminga siya ng malalim matapos sabihin iyon. This is it! Talagang kokomprontahin na niya ito!
"What is it?" Sabi nito pagkuway kumuha ng tubig sa ref at naglagay sa baso.
"Noong nakaraang linggo. After mong kumain ng tortang talong ko... hmm... kasi..." Urgh! Bakit bigla akong kinabahan! Buo na sana ang loob niya pero naunahan siya ng kaba na paano kung pagtawanan siya nito pagkatapos sabihin iyon? Alam niya na may tendency na mangyari iyon. Makaya kaya niya ang rejection na magmumula dito? Nakuyom niya ang kamao. Saan ba siya kukuha ng lakas ng loob upang masabi na dito ang gusto niya sabihin?
"Ayessa?" Untag nito sa kanya pero hindi na sumagot ang dalaga at tumakbo na lang palayo kay Leandro.
Habang ang huli ay nasundan na lamang ito ng tingin...
_____Ilang araw din ang lumipas at nanatili pa ring tahimik si Ayessa. She is now starting the art of silence. Hindi niya alam kung hanggang saan ba tatagal ito pero kailangan niya muna na gawin ito para makapag-ipon ng lakas ng loob. Napabuga siya ng hangin. Saan ba siya maaaring makakuha niyon?
BINABASA MO ANG
Seducing Leandro
RomanceLeandro and Ayessa Isang napakagandang babae ang nakita ni Leandro sa party ng kanyang kaibigan na si Apollo. At sumpa man ng binata, gustong-gusto niya na puntahan ang babaeng iyon at dalhin sa isang madilim na sulok upang doon ay kuyumusin ng hali...