Prologue

55.7K 1.1K 97
                                    

Prologue

Mula sa malayo ay tanaw na tanaw ni Leandro ang isang napakagandang babae na nasa bungad ng okasyon na dinaluhan niya. Maraming mga nagsisigandahang mga babae ang nasa party pero iba ang dalaga na nakikita niya. Para itong isang anghel na bumaba mula sa langit. Ito na kaya ang bigay ng Diyos aa kanya?

Napangiti siya. Kanina lang ay pinag-uusapan nila ng matalik na kaibigan niyang si Apollo ang tungkol sa pag-aasawa ngayon ay may dumating na agad. Siguro nga ay mabuti ng lumagay siya sa tahimik. He is turning thirty five next year.

Muli ay napabaling ang tingin niya sa dalaga. Tila may hinahanap itong kung ano. Baka ako ang hinahanap niya? Napangiti siya pagkuway sinuri ang magandang mukha ng dalaga. Ang mukha nito ay mala-anghel sa ganda at hugis puso, ang mga labi nito ay maninipis at tila kay sarap halikan. Maganda rin ang hubog ng katawan ng babae. Bumagay dito ang red off shoulder gown dahil mas lumutang ang kaputian nito. Napatutok ang mga mata ni Leandro sa dibdib nito, kitang-kita niya kasi ang napakagandang cleavage nito. Nakadagdag pa ang mahabang slit sa gown nito kaya naman namamasdan niya ang hita nito na kaysarap haplusin.

Holy fucking shit!

Napamura na lang si Leandro dahil ngayon ay ramdam na ramdam niya ang paninikip ng kanyang pantalon. Damn! Simpleng pagtitig at pag-eksamin lang sa katawan ng dalaga na iyon ay nabubuhay na ang dugo niya. Napangisi siya. Natural lang na maramdaman niya iyon. He's a natural hot blooded man, meron siyang malakas na sexual urge para sa kagandahan na nakikita niya—tulad ngayon.

Oh boy!

Biglang napaayos ng tayo si Leandro dahil bumaling sa puwesto niya ang babae. Kumaway pa nga at nginitian siya—siya nga ba? Damn! Bakit ba siya nagtatanong? Nginitian na lang din niya ang babae. Nang makalapit na ito ang akmang babatiin na niya ito pero iba ang sinalubong nito.

"Happy birthday, Daddy!"

Daddy? Napalingon si Leandro sa kanyang likod at ganoon na lamang ang gulat niya dahil nakayakap ang babae sa kanyang matalik na kaibigan.

"Leandro, I would like you to meet my unica hija, Ayessa. Do you remember her?" Pakilala ng kanyang kaibigan na si Apollo.

Bahagyang umiling si Leandro. Hindi niya maalala na may ganito kagandang babae siya na nakilala noon. Kung meron man ay baka naikama na niya ito. Imposible kasi na hindi dahil napakaganda nito.

What the fuck! Damn it! This can't be! Parang may kung anong idea na siyang naiisip kung sino malamang ang dalaga na nakikita niya ngayon.

"Kuya Leandro? Its that you?" Binalingan siya ng babae. "Hindi mo ba ako naaalala? Ako 'yong bata na palaging nagpapakarga sa'yo noong hinahatid mo ako sa school."

Napakamot ng ulo si Leandro. Damn it! Sabi ko na nga ba! "Y-yes, ikaw nga ang bata na iyon." Alanganin na napangiti na lang si Leandro.

Now its goddamnly hits him! Holy shit! Naalala na niya si Ayessa! May picture pa nga siya kasama ito noong binyag nito. Karga-karga niya ang maliit na katawan nito sa kanyang mga bisig. Pero ngayon na dalaga na ito ay parang gusto niya ulit ito na madama. Gusto niyang ikulong ito sa kanyang mga bisig upang hindi na makawala pa kailanman. Gusto niya itong ikulong sa kanyang kuwarto upang paulit-ulit na angkinin.

Damn you, Leandro!

"Nice to meet you again, Kuya Leandro. Na-miss kita."

Sa pagkabigla ni Leandro ay bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. Napamura na lamang siya dahil ramdam na ramdam niya ang dibdib nito na nakalapat sa kanya. Doon pa lang ay damang-dama niya kung gaano kalambot iyon pati ang katawan nito at ang mabangong amoy... damn! Just damn! Parang gusto niya hilain ito sa madilim na sulok at kuyumusin ng halik ang buong katawan nito...

Seducing LeandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon