Chapter 7
Isang mainit na sandali ang pinagsaluhan nina Leandro ay Ayessa. Kapwa habol ang hininga nila. Ang dalaga ay nakaunan sa dibdib ng binata habang nakasandal ang hita niya sa sikmura nito. Sa ayos nilang iyon ay akala mo ay unan ni Ayessa si Leandro. Wala ring tabing na kumot ang kanilang katawan dahil pinagpapawisan pa sila sa kakatapos lang na pagniniig. Hindi sapat ang lamig ng aircon para matighaw ang init na nararamdaman nila.
"Ayessa, alam mo ba kung ano itong nangyari sa atin?" Tanong ni Leandro habang hinahaplos ang ilang hibla ng buhok ng dalaga.
"Yes. We made love and its wonderful!" Nakangiting sagot niya pagkuway mahigpit na niyakap si Leandro. "You are such a great lover, Leandro!"
Napangiti ang binata sa papuri na iyon ni Ayessa.
"Thank you." Sabi nito saka napabuntong hininga.
"Bakit?" Nag-aalalang bumangon si Ayessa at tinitigan ang binata. "Para saan ang buntong hininga mo?"
"Iniisip ko lang si Apollo, ang Daddy mo. Hindi ko alam kung ano ang maaari niyang sabihin sa ginawa kong ito. Nahihiya ako dahil nagawa kong i-seduce ka noong una."
Napanganga si Ayessa sa sinabi nito.
"Nagawa mong i-seduce ako?"
"Yeah. Remember noong tinulungan kitang hugasan ang talong? I was seducing you that time pero itinigil ko din dahil bigla kong inisip na napakabata mo pa at nag-aalala ako na baka isipin mo na nananamantala ako."
"Hindi ko iniisip iyon kahit na kailan! And honestly, I was also seducing you. Naalala mo ang hotdog na---"
"I knew you were seducing me pero nagpatay-malisya ako. Pinipigilan ko kasi ang sarili ko upang hindi maakit sa 'yo."
"Oh my God! So, in the past days we are practicing of seducing each other?" Natatawang napa-face palm na lang si Ayessa. Hindi kasi siya makapaniwala na parehas lang sila ng binata ng ginagawa. May pa-seduce seduce pa silang malalaman e, puwede naman nilang komprontahin ang isa't isa.
"Yes. Ganoon na nga ang ginagawa natin. Nakakatawa tayo, hindi ba?"
Mabilis namang sumang-ayon si Ayessa. "By the way, noong isang linggo bakit hindi mo ako tuluyang inangkin? You are almost there."
"Natakot ako. Ayoko kasi na abusuhin ka. Isa pa ay iniisip ko ang pagkakaibigan namin ni Apollo. Anak ka niya at alam ko kung gaano ka niya kamahal. Ngayon pa lang ay nai-imagine ko na ang Daddy mo na hinahabol ako ng baril."
"I will not let it happen. Sabay tayong pupunta kay Daddy at ipapaliwanag natin itong nangyari. Sasabihin ko din na mahal natin ang isa't isa kaya---" biglang natigilan si Ayessa. Bakit ba niya biglang nasabi iyon? Paano kung siya lang pala ang nagmamahal? "Mahal mo ako, hindi ba?"
"Of course! Hindi ba at sinabi mong narinig mo ako nang sabihin ko na 'I love you' noong nakaraang linggo? I mean it. Mahal na mahal kita."
"Kailan pa?" Curious niyang tanong.
"Noong birthday party na Daddy mo." Nakangiting sabi nito at tila isang highschool boy na nagde-daydream. "Nakita kita noon mula sa malayo. Ang sabi ko pa noon ay para kang anghel na bumaba mula sa langit. Pakiramdam ko pa noon ay dinala ka ng Diyos para sa 'kin. Ang corny ko, hindi ba? Pero ganoon daw talaga kapag nakita mo na ang 'the one' and that's you. But reality hits me. Akala ko ay ikaw na ang babae para sa 'kin pero hindi pala. Anak ka ni Apollo, ng kaibigan ko. Ikaw ang bata na palagi kong kasama, ang bata na palaging nagpapakarga at humihiling na bigyan ko ng manika. Hindi kita agad nakilala noon. Ang laki ng ipinagbago mo at hindi ko akalain na lalaki ka ng ganyan kaganda." Nakangiting binalingan siya ng binata.
BINABASA MO ANG
Seducing Leandro
Lãng mạnLeandro and Ayessa Isang napakagandang babae ang nakita ni Leandro sa party ng kanyang kaibigan na si Apollo. At sumpa man ng binata, gustong-gusto niya na puntahan ang babaeng iyon at dalhin sa isang madilim na sulok upang doon ay kuyumusin ng hali...