Nadatnan nila sa loob ang kanyang mga magulang na bihis na bihis.
"Magandang hapon po tito, tita." Bati ni Elli sa mga eto.
"Magandang hapon din hi'jo. Mabuti at nandito ka, may kasama itong unica hi'ja namin habang wala kami." Sabi ng mama niya.
"Saan po ba kayo pupunta at bihis na bihis kayo?" tanong niya sa mga ito.
"Wedding anniversary ngaun ng kumpare namin. Nakakahiya naman kung hindi kami pupunta, eh invited pa naman kami. Ikaw naman Elli ingatan mo tong baby girl ko, pag may nangyaring masama diyan o kung may ginawa kang hindi maganda. Huwag ka ng magpapakita sa pagmumukhang ito. Naiintindihan mo ba? Pero sabagay boto naman talaga ako sa iyo, hanggang magbestfriend nalang ba talaga kayo?" sabi naman ng papa niya.
Nakita niyang ngumiti si Elli. Alam niyang namula nanaman siya kaya tumalikod siya dito. "Papa, naman, hindi pa nga kayo nakakainom lasing na agad kayo? Sige na nga umalis na kayo. Ingat po sa biyahe." Pagtataboy niya at humalik sa pisngi ng mga ito.
Nang makaalis na ang mga magulang niya tsaka niya hinarap si Elli. "Bat ka ba talaga napasugod dito?"
"Nakalimutan mo lang naman isend yung assign. na sinasabi mo sa akin kanina. Kaya ako na ang pumunta dito."
Lumapit siya dito. "Oh, sorry talaga brad, nawala nanaman sa isip ko. Talagang nagmamadali ako kanina eh."
Lumayo ito sa kanya at umupo sa sofa. Sinundan niya naman ito at tumayo sa harapan nito. "Alam mo para kang ampalaya." Hinintay niya itong magsalita pero hindi man lang ito tumingin sa kanya. Kaya yumuko siya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. " Kasi kahit na lukot-lukot yang mukha mo at mukhang sobrang pait kapag kinain, ikaw parin ang sustansiyang hinahanap ng puso ko."
Tumingin lang si Elli sa kanya pero hindi nagsalita. Halatang pinipigilan nito ang mapangiti. Kaya umayos siya ng tayo at nag-isip ng iba pang pick-up lines. "Pwede ka din maging kandidato dito sa puso ko." Hindi parin ito sumagot. "Kasi kahit hindi ka mangampanya, tiyak na mananalo ka. Sa boto palang ni papa at mama wala ng laban ang iba." Wala man lang itong naging reaksiyon. Nakatitig lang ito sa kanya at umayos sa pagkakaupo. Napasimangot siya. "Mukha ngang wala kang sa mood. Ano bang gusto mong kainin?"
"Wala."
"Eh, ano ang gusto mong gawin ko?"
"Wala."
Hindi na siya nagsalita. Makikipagtigasan siya dito.
"Wala akong gustong kainin. Wala kang kailangan gawin. Ang gusto ko ikaw." Maya-maya ay sabi ni Elli.
Natigilan siya. Pero maya-maya lang ay ang lakas na ng tawa niya. "Kaya pala hindi ka umiimik nag-iisip ka ng igaganti mo sa akin." Tumatawa pa din siya.
"HAHA ka ng HAHA diyan. Pag hindi ka pa tumigil. HAHAlikan na kita."
Tumigil nga siya at pinandilatan ito. "Pag ginawa mo yun, HAHAmpasin kita ng upuan."
Ito naman ang tumawa. "Hindi mo pa nga ako hinahampas. Tinatamaan na ako sa'yo eh."
Hinampas nga niya ito. Pero hindi ng upuan kundi ng unan na nakalagay sa sofa. Inaamin niya na kinikilig siya. Ngaun lang kasi nakipagsagutan ng mga pick-up lines si Elli sa kanya. "Ang cheesy mo ah."
"Cheesy ako? Sige nga ipalaman mo ako sa puso mo."
Binato niya ito ng hawak na unan. "Hindi na yun kelangan, matagal ka ng nakatira dito sa puso ko." Aniya at nagtungo sa hagdanan paakyat sa kanyang kwarto.
"Mag-iingat ka, baka mahulog ka at hindi kita maalalayan masalo ka pa ng iba. Mahirap na."
Ngumiti siya. "Tama na nga yan. Kapag hindi ka pa tumigil sa pambobola mo sa akin baka tumalbog ako at maagaw ng iba. Ikaw din." Sabi niya at kinuha ang mga gamit niya na kakailanganin nila sa paggawa ng kanyang assignments.
Hindi nila namalayan ang paglipas ng oras. Kaya maya-maya lang ay dumating na ang mga magulang ni Chloe at nagpaalam na din si Elli na uuwi na matapos kumain ng dinner sa kanila. Dahil hindi daw ito papauwiin hanggat hindi kumakain.

BINABASA MO ANG
Bestfriends to lovers
रोमांसSi Chloe ay isang ordinaryong estudyante, simple, maganda, matangkad, hindi masasabing mayaman pero hindi mo rin maituturing na walang-wala, dancer at mahilig sa sports. 'NBSB' (a.k.a. No Boyfriend Since Birth) dahil natatakot magmahal at masaktan...