"Hi, Chloe, pwede ba tayong lumabas ngayon?" tanong nito.
"Pasensiya ka na Max, papunta kasi ako kay na Elli ngayon, may importante daw siyang sasabihin eh."
"Ehem.. Eto na yung hinihintay mo, sabi ko sa'yo bibigay din yang kaibigan ko na yun. Kelangan mo yatang magpasalamat sa akin. Sige, mukhang hindi na tayo madalas magkikita nito. Bye Chloe."
"Ano bang pinagsasabi mo diyan. Oh cge na Max. Nagmamadali ako eh."
Tumawa pa ito. "Sige, Goodluck." Pinutol na nito ang tawag.
Nang makarating siya sa tapat ng bahay ng mga ito ay nag- doorbell siya, pero walang bumubukas ng gate. Nagtaka siya ng itulak niya ang gate ay nakabukas pala iyon. Lalo tuloy siyang kinabahan kaya pumasok siya, sinalubong siya ng tatlong alagang aso nina Elli. Kilala siya ng mga ito kaya hindi na nag-abala pang kumahol.
"Elli.." tawag niya dito pero walang sumagot. "Tito, Tita, Babes, may tao po ba dito?" Tawag niya sa magulang at kapatid ni Elli pero wala parin sumasagot sa kanya. Nakita niyang may tinitingnan ang tatlong aso sa tabi niya. Nilapitan niya ang tinitingnan ng mga ito nakita niya ang berdeng sobre na nakapatong sa isa sa mga flower pot.
Kinuha niya iyon, may nakasulat na : "SMILE BEFORE YOU OPEN. Nawala ang kaba niya at napangiti nga siya, hindi lang dahil sa sulat kundi dahil narin sa kadahilanan na may kabaliwan nanaman na naiisip ang bestfriend niya. At sinali pa ang mga alagang aso na pinamanahan yata nito ng I.Q. Binuksan niya ang sobre. May nakasulat nanaman na.
"Follow the instructions carefully:" Sinunod nga niya lahat ng nakasulat. (1) Pumunta malapit sa swimming pool, makikita mo ang isang susi dun, kunin mo. (2) Pagdating sa pool, Tumingin sa favorite mong statue na malapit sa kinaroroonan mo. Basahin ng nakangiti ang lahat ng nakasulat sa poster na nakasabit dun. "Thank you for everything, Brad! ?" (3) Gamit ang susi buksan ang stock room na gusto mong puntahan dati pa, pero hindi kita pinapayagan, pero ngayon makikita mo na lahat ng naroroon.
Kaagad siyang pumunta sa stock room na tinutukoy nito. Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang pinto. Pagbukas ay nakita niya ang mga iba't ibang klaseng stuff toys at kung ano-ano pa na sabay nilang binili dati pa. Lahat ng mga iyon ay naroon, walang labis walang kulang, ang pagkakaalam niya ay binigay nito ang mga iyon sa mga babaeng pinopormahan nito, hindi pala. Binasa niya ang mga huling nakasulat sa papel na hawak niya. (4) Last but not the least. Pumasok sa secret door sa likod ng kurtina. Press the red button.
Ginawa niya ang huling nakasaad sa sulat. Pagpasok niya sa secret door na hindi na secret dahil alam na niya ay nakita niya si Elli na nakaupo sa sofa na naroroon at may hawak na punpon ng mga bulaklak. Nakangiti ito sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/55429756-288-k588369.jpg)
BINABASA MO ANG
Bestfriends to lovers
Roman d'amourSi Chloe ay isang ordinaryong estudyante, simple, maganda, matangkad, hindi masasabing mayaman pero hindi mo rin maituturing na walang-wala, dancer at mahilig sa sports. 'NBSB' (a.k.a. No Boyfriend Since Birth) dahil natatakot magmahal at masaktan...