"Hindi ako nag-aapply biglang bestfriend mo, dahil bestfriend na kita, gusto ko mapromote. Boto naman sa akin parents mo, gusto ka rin nina mommy, daddy, at babes dahil suportado nila ako, kaya nga wala sila dito, eh."
Hindi lalo siya nakaimik. Nanginginig ang buong katawan niya, hindi niya alam kung nakikita ni Elli iyon, pero wala siyang pakialam. Nanatili lang siyang nakatitig dito.
"Hindi ka ba naniniwala? Hindi mo ba ako mahal?"
Umiling siya. Hindi niya alam kung para sa una o sa pangalawang tanong ang iling na iyon.
"So, hindi mo nga ako mahal. Kelan mo kaya ako matututunang mahalin?" nakita niya ang pagpatak ng luha sa kaliwang mata nito. Kaagad naman nitong pinahid iyon.
"P-pag nawala ka na." sagot niya. Pero sinabi niya lang iyon para tumigil na ito sa kakadrama dahil malapit na siya nitong mapaniwala. Parang gusto niyang pagsisihan at bawiin ang sinabi ng makita niya na yumuko si Elli at tumalikod sa kanya. Pero naumid yata ang dila niya dahil hindi niya nakuhang magsalita. Hindi niya din maigalaw ang paa para pigilan ito.Nakita niyang lumapit si Elli sa saksakan ng mga wires at may gustong bunutin sa mga iyon, pero hindi pa man nito iyon nabubunot ay bigla nalang ito bumagsak sa sahig. Hindi niya alam kung ano ang talagang nangyari. Pero automatic na gumalaw ang kanyang mga paa at nilapitan ito. "Brad.." nakapikit ito. "Brad, okay ka lang ba? Dumilat ka naman oh." Pero hindi siya nito sinunod. Hindi niya alam kung nakuryente ito o ano pero bigla siya kinabahan. "Brad, wag mo naman ako takutin ng ganito oh, alam mo namang walang tao dito at hindi ko alam ang password ng pinto. Kaya dumilat ka na." Wala parin itong reaksiyon. Kinapa niya ang pulso nito, tumitibok iyon. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa pero walang signal iyon. Parang gusto niyang magmura sa sobrang helpless.
"Please naman, wag mo akong bibiruin ng ganyan. Hindi nakakatuwa, naniniwala naman ako na mahal mo ako kaya lang natatakot ako eh, baka masaktan lang ako o baka mawala ka sa akin, Dumilat ka na please." Pero nanatili itong nakapikit at hindi gumagalaw. Naiiyak na siya dahil baka nga hindi ito nagbibiro. "Hindi ko pa nga nasasabi sa'yo kung gaano kita kamahal tapos iiwanan mo na kaagad ako? Napaka-unfair mo talaga kahit kelan." Bumagsak na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
Nagulat siya ng bigla nalang bumangon si Elli at ngingiti-ngiti. "Sabi ko na nga ba, mahal mo din ako, pinahirapan mo pa ako. Ang sakit ng likod ko sa pagbagsak ah."
Pinagsusuntok niya ito sa sobrang inis. Hindi nito alam kung gaano siya nito pinakaba. Niyakap naman siya nito. "Ano ka ba? Ang sakit na nga ng likod ko sinusuntok mo pa ako."
"Eh nakakainis ka eh, palagi mo nalang akong niloloko."
BINABASA MO ANG
Bestfriends to lovers
RomantikSi Chloe ay isang ordinaryong estudyante, simple, maganda, matangkad, hindi masasabing mayaman pero hindi mo rin maituturing na walang-wala, dancer at mahilig sa sports. 'NBSB' (a.k.a. No Boyfriend Since Birth) dahil natatakot magmahal at masaktan...