“Brad, Itigil mo na nga yang mga ginagawa mo, babae din ako. Hindi mo ba naiisip kung ano ang mararamdaman ko kung sa akin mo ginawa yan?” sabi ni Chloe kay Elli nang sabay silang gumagawa ng assign. sa math, dahil hate niya ang subject niya na yun kaya nandito nanaman siya ngaun sa library nagpapatulong sa kanyang bestfriend na ubod ng taas ang I.Q.
Brad ang kanilang tawagan. Wala lang gusto lang nila.
“Hindi ko naiisip yan, dahil wala naman akong balak na gawin yun sa iyo. Eh bat ikaw hindi mo pa itry na mag-bf?” Sagot ni Elli.
“Hindi ako ang pinag-uusapan dito.”
Hindi ito umimik pero maya lang ay biglang kumislap ang mga mata ng may biglang maisip. “Ganito nalang, ititigil ko lang ang mang-chix kung magkakaroon ka na ng boyfriend.”
“That’s not fair. Sige ipagpatuloy mo nalang yang ginagawa mo. Wala na akong pakialam.”“Wow. Bigla-bigla nagbago kaagad ang isip? Balak ko narin naman tumigil na sa pambababae, hindi naman talaga ako nagiging masaya, at nakakasakit pa ako. Dahil sayo mismo nanggaling na itigil ko na, ititigil ko na talaga, Swear! Pero about “boyfriend-thing” seryoso ako brad bakit hindi mo subukan? May ipapakilala ako sayo, dati kong classmate nung elem. Pogi yun brad, at ang mga tipo nun yung katulad mo.”
“Alam mo sa sobrang talino mo kung ano-anong kalokohan nalang ang biglang pumapasok sa utak mo. Pero itong kalokohan na naiisip mo ngayon hindi nakakatuwa ah. Tigilan mo ako!”“Anong kalokohan yang pinagsasabi mo? Kaya nga kita naging bestfriend dahil game ka rin sa mga kabaliwan ko , oh, I should say mga kabaliwan natin.”
Nag-make a face si Chloe, lumapit naman si Elli sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha. Natigilan siya. Tinitigan nito ang kabuuan ng kanyang mukha mula noo, kilay, mata, pilik-mata, eyebags, ilong, pisngi, labi, baba at hindi pa nakuntento tiningnan pa ang magkabila niyang tainga. Naconscious tuloy siya na baka may pimple pala siya pero ang pagkakaalam niya wala.“Ngaun ko lang napansin na cute ka rin pala kahit papano.” Komento nito bago pinakawalan ang mukha niya.
Alam niyang namula siya sa sinabi nito. Pero agad siyang nag-isip ng sasabihin bago nito mahalata iyon. Aminado naman siya na crush niya noon pa ang mukong na ito pero alam naman niyang hindi siya ang tipo ni Elli. Kasi kung gusto siya nito matagal na siya nitong niligawan. “Tatlong taon na tayong magkaibigan tapos ngaun mo lang nakita ang angkin kong kagandahan?” inirapan niya ito.
Tumawa si Elli. “Kung maganda ka bakit walang nanliligaw sayo?”Pinandilat niya ito. “Sa ganda kung ito mawawalan ng may balak manligaw? Uh uh! Maraming gustong manligaw sa akin kaya lang binabasted ko kaagad. Alam mo naman, kung yung bestfriend ko nga siraulo what more yung ibang lalake diba?”
“Ouch! Maka-siraulo ka naman, brad.” Bigla nalang nitong hinawakan ang kamay niya. tara na nga tapos nanaman ang assignment mo
“Oh, saan tayo pupunta?”
uuwi na. bakit may gusto.ka bang puntahan?
wala namansagot ni chloeBrad bukas sunduin kita ng 8:00 ha
sige ba
BINABASA MO ANG
Bestfriends to lovers
RomanceSi Chloe ay isang ordinaryong estudyante, simple, maganda, matangkad, hindi masasabing mayaman pero hindi mo rin maituturing na walang-wala, dancer at mahilig sa sports. 'NBSB' (a.k.a. No Boyfriend Since Birth) dahil natatakot magmahal at masaktan...