"Okay lang ba sa'yo kung liligawan kita?" Nagulat si Chloe sa tanong na iyon ni Max. Kakatapos lamang nila sa huling tutorial nito sa kanya ng taekwondo. Okay naman ang naging kinalabasan.
"Ah.. Eh kasi ano eh." Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Madali lang ang mambasted sa mga lalake, pero nahihirapan siya gawin yun kay Max. Dahil kahit papano may pinagsamahan sila.
"Hindi ba pwede? Dahil ba kay Elli?" eto na mismo ang sumagot sa tanong nito.
Tumingin siya kay Max. Lalo tuloy hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ngumiti naman ito sa kanya.
"Silence means yes." Sabi pa nito ng hindi parin siya nagsalita.
"Don't you dare to tell him." Nasabi nalang niya. Ano pa nga ba ang silbi kung idedeny niya eh buking na siya nito. Ang tanong niya nalang sa sarili, ganun ba siya ka-obvious na patay na patay siya sa bestfriend niya?
"What friends are for?" sabi nito ng nakangiti sabay abot ng kamay niya. "Tara hatid na kita. Akong bahala matatauhan din yung kaibigan ko na yun."
Habang nasa biyahe sila pauwi ay marami pa silang napagkuwentuhan, nagtatawanan, nagkukulitan at inaasar siya nito kay Elli. Nang malapit na sila sa kanilang bahay ay nakita niya si Elli na nakatayo sa labas at nakatingin sa kanila. Pasimple niyang kinurot sa tagiliran si Max na ang ibig sabihin ay umayos ito. Inakbayan naman siya nito na para bang naintindihan siya.
"Oh brad, anong ginagawa mo dito?"
"Wala naman. Mukhang masaya naging lakad niyo ah."
"Syempre naman. Masaya yatang kasama itong si Chloe. In fact, pumayag siya na liligawan ko siya." Sabi naman ni Max. Napatingin siya rito. Yumuko naman ito at may ibinulong sa kanya. "Diba, sabi ko akong bahala. Maki-ride on ka nalang, wag KJ." Iniiwas niya na ang mukha dito at ngumiti kay Elli.
"Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" Sabi niya kay Max.
"Hindi na, kelangan ko din kasi umuwi ng maaga ngaun. Siguro sa susunod nalang. Wala bang goodbye kiss bago ako umalis?" hirit pa ni Max. Kinurot niya ito. Tumawa naman ito. "I'm just kidding. Sige tol mauna na ako." Baling naman nito kay Elli. Kumindat pa ito sa kanya na parang ang gustong ipahiwatig ay 'go girl!' bago tumalikod.
"Ingat ka." Hinintay pa niyang mawala ito sa kanyang paningin bago bumaling kay Elli. "Tara na sa loob, wala ba diyan sina mama at papa kaya hindi ka pumasok?"
"Hinintay talaga kita dito kasi alam kung wala ka sa loob. Hindi na ako kumatok kaya hindi ko alam kung nandiyan sila."

BINABASA MO ANG
Bestfriends to lovers
RomanceSi Chloe ay isang ordinaryong estudyante, simple, maganda, matangkad, hindi masasabing mayaman pero hindi mo rin maituturing na walang-wala, dancer at mahilig sa sports. 'NBSB' (a.k.a. No Boyfriend Since Birth) dahil natatakot magmahal at masaktan...