Chapter 10

13 0 0
                                    

"Sorry na, hindi naman kita niloloko. Totoo lahat ng sinabi ko. Kapag hindi ko naman yun ginawa hindi naman kita mapapaamin na mahal mo din ako." Binitiwan siya nito at tinitigan siya. "Teka, kung mahal mo talaga ako, bakit ka pumayag na magpaligaw kay Max?" Pinahid nito ang kanyang mga luha gamit ang kamay nito.



"Hindi naman talaga ako pumayag na magpaligaw sa kanya, binasted ko nga siya dahil sayo eh, at alam niya yun. Pinagseselos ka lang nun para daw umamin ka sa akin, ayun mukhang effective naman dahil umamin ka nga." Ngumiti siya.



Tumawa ito. "Siraulo yung Max na yun, ah." Naging seryoso bigla ang mukha nito at tumitig sa kanya. Nararamdaman niyang lumalapit ang mukha nito sa mukha niya. Nahuhulaan niya ang gagawin nito, kaya inilapat niya ang hintuturo sa mga labi nito.



"Uh,uh! Hindi pwede yan." Ngumiti siya. "Alam kung may camera din dito sa loob. Balak mo atang irecord lahat ng mangyayari sa araw na ito, ah."


Ngumiti din ito. "Aba, syempre naman, para may remembrance ako sa araw na sasagutin mo ako. At alam kung ngaun ang araw na iyon. Pero kinabahan ako kanina ah, akala ko mararanasan ko na ang mabasted, mabuti nalang. I love you, brad."



Nakangiti parin siya habang nakatitig lang dito. Ang sarap pala pakinggan ng mga salitang yun na sa mismong bibig ng mahal mo manggagaling. "I love you too, brad." Aniya at ninakawan ito ng isang smack sa mga labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriends to loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon