Chapter 3

11 0 0
                                    

Naging madalas ang pagyaya ni Max na lumabas sila, dahil masarap naman kasama at kausap ito kaya pumapayag siya. Ayaw niya din na mapahiya si Elli sa kaibigan nito at siguro nga tama ang bestfriend niya na it's about time na pag-ukulan niya ng pansin ang mga lalaking nagpapalipad hangin sa kanya. Going back to Max palagi sila nitong kumakain sa labas, namamasyal, at madalas din silang naglalaro ng tennis. Tinuturuan din siya nito ng taekwondo, tumanggi siya nung una pero sabi nito for self-defense daw kaya pumayag na siya. Walang hilig si Elli sa sports kaya masaya siya ngaun dahil may nakakasama na siya sa mga ganung hilig niya.


Dahil sa madalas na pagkikita nila ni Max naging madalang naman silang magkasama ni Elli. Nagkikita nalang sila sa school o kaya kapag wala silang lakad ni Max o kapag free si Elli.



Biglang nag-ring ang cellphone ni Chloe si Elli ang tumatawag. "Oh, Brad, napatawag ka?"



"Saan ka?" Imbes na sagutin ang tanong niya ay tinanong din siya nito.



"Sa bahay."



"Anong araw ngaun?"



"Sabado."



"Anong oras na?"



Kumunot ang kanyang noo sa mga tanong nito pero sinagot parin niya. "9:45 am."



"Ano ng ginagawa mo?"



"May problem ka ba? Eto nag-bibihis."


"So, may balak ka parin pumunta dito?"



"Ano? Ah.. no, ay oo nga pala. Nakalimutan ko sabihin sa'yo na ngaun yung huling tutorial sa akin ni Max sa taekwondo. Kaya sige brad, mag-aayos pa ako."



"Ops! Hold on.. So nakalimutan mo sabihin sa akin? At nakalimutan mo din na tuwing sabado, 9:00 am ay nagpapatutorial ka sa akin sa mga nahihirapan mong subjects? In love ka na nga yata kay Max, pati ako nakakalimutan mo na eh." Nagtatampo ang boses nito.



"OMG! I'm so sorry. Pero alam natin na hindi totoo yang sinabi mo, nakalimutan ko lang yung tutorial natin ngaun pero never kitang kakalimutan, brad, ikaw talaga. Send ko nalang assign. ko sa'yo sagutan mo ah. Baka mamaya dahil nagtampo ka na ayaw mo nang sagutan. Sige, kelangan ko ng ibaba toh, late na ako 10:00 am usapan namin."



"Wait.. Pick-up lines muna diyan."



Tumawa siya. Alam niyang mahilig ito sa ganun dahil ginagamit nito iyo sa mga chix na pinopormahan nito at sa kanya ito madalas humingi dahil marami siyang alam na mga pick-up lines. Ito madalas ang hinihiling nito sa tuwing nagtatampo ito sa kanya kaya pinauulanan niya ito ng mga pick-up lines hanggang sa magsawa ito.



"Akala ko ba matalino ka?" maya-maya ay sabi ni Chloe.



"Ha?"



"Eh, bakit hindi mo alam na dalawang multo ka?"



"Dalawang multo?"



"Na GHOST TWO kita."



Ang lakas ng tawa ni Elli. "Gusto ko yang pick-up line na yan. Isa pa."



"Naku tama na. Nextime nalang. Treat kita pag nagkita tayo. Promise! Pero sa ngaun kelangan ko na talaga itong ibaba. Sige, brad, Love yahh." Gumawa pa siya ng smack sound bago pinindot ang end button. Hindi niya na hinintay na sumagot si Elli.

Bestfriends to loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon