Chapter 6

8 0 0
                                        

Nang sumunod na mga araw ay naging busy sila pare-pareho, Si Chloe ay busy sa kakapraktis para sa darating na school Olympics. Isa siya sa mga atleta na ilalaban sa ibang mga school sa sports na tennis at volleyball. Si Elli naman ay busy din sa kakareview dahil kabilang ito sa nalalapit na quiz bee competition na gaganapin sa Cebu sa susunod na linggo.



Nang matapos ang mga activity na yun ay may usapan sila na magkikita at mamamasyal, pero hindi mahagilap ni Chloe si Elli sa kanilang school. Kaya ng makasalubong niya ang kanilang mga barkada ay tinanong niya ang mga ito. Pitong lalake silang lahat.



"Oh, mga tropers, musta na kayo?" bati niya sa mga ito.



"As usual, eto mga pogi parin at ikaw lalo ka yatang gumaganda,ah." Sagot ng isa sa mga ito.


Ngumiti siya. "Pasaway ka talaga. Pasensiya na kayo, dumadalang ang pagbobonding natin. Busy lang kasi, bawi ako nextime."



"Ok lang yun. Alam mo namang malakas ka sa amin eh." Ani naman ng isa, nakipag-high-5 pa sa kanya.



"Teka, hindi niyo yata kasama si Elli, hindi ko rin siya nakita kanina, may usapan kasi kaming magkikita ngayon. Alam niyo ba kung nasaan siya?"



"Ah, oo nga pala, may ibinilin sa akin si Elli na pag nakita kita, sabihin ko sayo na pumunta ka sa kanila. May sasabihin daw siya sa'yo."



"Ngayon na? Ano naman kaya sasabihin niya bakit hindi nalang niya ako tinawagan?"


Nagkibit balikat ito. "Wala kaming idea, pero palagay ko importante yun, kasi pagkabilin niya sa akin nagmamadali na siyang umalis. Baka eto yung minemean niya na magkikita kayo."



Bigla siyang kinabahan. Ano naman kaya ang importanteng sasabihin ni Elli sa kanya? "Ah, sige, kelangan ko na palang umalis kung ganun. Salamat." Ngumiti siya at tumalikod na sa mga ito.



"Ingat ka." Pahabol ng mga ito.

Bestfriends to loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon