Chapter 2

10 0 0
                                    

(following day)"Oh, saan tayo pupunta?"



"Ipapakilala kita sa kaibigan kong si Max, yung binanggit ko kanina. Magugustuhan mo yun, dahil athlete din siya kaya magkakasundo kayo. Diba gusto mo yung lalakeng parehas kayo ng hilig?"



"Oo. Pero sinabi ko na sa iyong ayoko yang binabalak mo na yan eh."



"Pag hindi mo ako pinagbigyan magagalit talaga ako sa 'iyo. Hindi na kita kakausapin. Hindi ko na din sasagutan mga assignments mo. Mawawalan ka na ng poging best -----"



"Oo na payag na ako."



"Yes! Sige tatawagan ko na si Max."



Pero ang balak na pagpapakilala ni Elli sa kanya kay Max ay hindi natuloy nung araw na yun. Busy pa di umano ang lalaki kaya sa susunod na linggo nalang daw. Nang dumating ang araw na yun ay napag-alaman niyang gwapo nga talaga si Max, malakas ang appeal, matangkad din at may sense of humor. Hindi nagtagal ay nagpaalam na si Elli na may lakad itong pupuntahan, Urgent daw. Pero alam niyang nagsisinungaling ito, kilala niya ito, balak nga yata talaga nitong tutuhanin ang sinabi nito na ihahanap siya ng boyfriend. Bago pa ito umalis ay binilinan pa nito si Max na ingatan siya.


Bestfriends to loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon