Nakapameywang na hinarap niya ito. "Anong kalokohan nanaman itong ginagawa mo? Nasaan sila? Bakit ikaw lang yata mag-isa dito ngayon? Pati mga alaga mong aso sinama mo sa kabaliwan mong ito. May pa smile before you open at thank you for everything, brad ka pang nalalaman diyan. May hawak ka pang bulaklak, Ano ba kasi yung importanteng sasabihin mo? Tapos ano yang mga monitor na yan?" tukoy niya sa mga monitor na nakapatong sa isang table na naroroon. Nakikita niya ang lahat mga dinaanan niya kanina bago siya makarating sa loob ng stock room na iyon.
Lumapit ito sa kanya at inabot ang hawak na mga bulalak. "Pwede ba isa-isa lang ang mga tanong? Mahina ang kalaban."
"At ano ito?"
"Bulaklak."
"Alam ko, bakit binibigyan mo ako ng bulaklak?"
"Brad, naman, hirap-hirap na nga akong umamin, tapos hindi mo pa maintidihan ang ibig kong sabihin. Hindi ko alam kung manhid ka ba talaga o wala ka lang pakialam sa nararamdaman ko?"
"Umamin? Ako manhid? Ano bang pinagsasabi---- "
"Gusto kita.. Mali, hindi lang kita gusto, mahal kita. Mahal na mahal higit pa sa pagmamahal ng isang bestfriend. Ngayon alam mo na."Hindi niya alam kung maniniwala siya o hindi sa pinagsasabi ni Elli. Matagal niya ng hinihintay na sabihin nito na mahal din siya nito, pero ngayong nandito na natatakot naman siya. Natatakot siya na baka itulad lamang siya nito sa mga pinaglaruan nitong babae o baka naman nang-gogoodtime nanaman ang bestfriend niya na palagi naman talaga nitong ginagawa. Pero pinili niya ang hindi paniwalaan ang mga sinasabi nito. "Naku, tigilan mo nga ako." Sabi nalang niya at pumunta sa pinto pero hindi niya iyon mabuksan. Please insert the password ang nakalagay sa high-tech na pintuang iyon.
"Hindi ka makakalabas dito hanggat hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko. Mahal talaga kita, matagal ko nang gustong sabihin ito sayo pero natatakot akong mabasted, brad. Ipinakilala ko si Max sa'yo kasi gusto ko malaman kung irereject mo din siya katulad ng mga ibang lalake, pero hindi mo ginawa, pinayagan mo siyang manligaw. Kaya gumawa na ako ng paraan para umamin na sayo, ayoko kasing mawala ka sa akin, ayokong mawala bestfriend ko, ang taong mahal ko at nagpapasaya sa akin lagi. Yung mga pick-up lines na lagi kung hinihiling sa'yo, iniimagine ko na galing talaga yun sa puso mo at para talaga yun sa akin. Yung mga babaeng ipinapakilala ko sa'yo, hindi ko naman talaga sila niloloko, niloloko ko ang sarili ko, kasi mga kaibigan ko lang ang mga iyon. Pinagseselos lang naman kita. Pero wala nga yata talaga akong dating sa'yo dahil wala ka naman pakialam kaya itinigil ko na. Naalala mo ba yung una tayong naging close? Yung sinuntok mo yung lalakeng hinalikan ka sa cheeks ng walang pasabi, tapos balak kang gantihan tapos umextra ako at inawat ko yung lalake na yun. Isa yun sa mga masasayang araw sa buhay ko dahil doon nagsimula ang pagiging magkaibigan natin tapos naging magbestfriend tayo hanggang ngayon. Crush na kita bago pa ang tagpong iyon. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob, siguro nga dakilang torpe talaga ako. Naniniwala ka na ba sa akin ngayon, brad?"
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Gusto niya itong paniwalaan pero natatakot talaga siya. "P-pero bestfriend kita." Sabi niya
BINABASA MO ANG
Bestfriends to lovers
RomanceSi Chloe ay isang ordinaryong estudyante, simple, maganda, matangkad, hindi masasabing mayaman pero hindi mo rin maituturing na walang-wala, dancer at mahilig sa sports. 'NBSB' (a.k.a. No Boyfriend Since Birth) dahil natatakot magmahal at masaktan...