Bloody Lady

3.5K 88 19
  • Dedicated kay Jade Anne Alcaraz
                                    

November 1 nung naranasan ko ito, nasa sementeryo kami nung All Saint's Day.

Paiikliin ko na lang yung story dahil sa haba ng nag-stay kami, gabi ko ito na-experience.

Ugali ng buong mag-anak namin na pumunta ng sementeryo kapag Undas, hapon na kami nakakarating doon.

Naglalaro din kami ng kandila at ginagawang bola, kung minsan, sa baso namin nilalagay at pinupuno.

Nag-iikot din kami doon kasama ang mga pinsan ko.

Kung minsan, nagpi-picture taking pa kami.

Pagkagat naman ng dilim, nabalik na kami sa puntod ni Lolo.

Bandang 8pm, gabi na nung oras na iyon at hinihintay na namin ang jeep na inarkila para sakyan namin pauwi.

Kumakain ako, samantalang ang mga pinsan ko ay nag-uusap.

Napatingin ako sa isang gusali na hindi naman gaano kataasan.

Nang biglang may nakita akong kakaiba at natakot ako...

Isang babaeng naglalakad, nakaputi siya, may bakas din ng dugo sa damit niya, naglalakad siya papuntang kaliwang ibayo ng balkonahe.

Bigla akong natulala, tinawag ko ang mga pinsan ko para tignan ang nakita ko...

Pero pag tingin namin, nawala na ito.

Sa pag-uwi namin, nakasakay na kami ng jeep.

Napadaan kami sa harapan ng gusali kung saan may nakita ako, nakakandado ang gate na may kadena at naka-padlock.

Naisip kong baka nagkasalisi lang kami, dahil sa pag-alis namin, baka umalis na din sila.

Ikinuwento ko kay Mama ang nakita ko, ang sabi niya naman sa'kin, hindi daw totoo yun at baka nag-costume lang iyon para magbigay galang sa patay.

Doon na pumasok sa utak ko na naguguluhan ako, dahil hanggang ngayon, hindi ko pa din maipaliwanag kung totoo ba iyon o hindi ang nakita ko.

True Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon