2012 nung nangyari ito, hindi ko nga lang maalala kung anong buwan at araw.
Doon pa kami dati nakatira sa bahay ng lola at tiyo ko.
Isang gabi ng 7pm, naglalakad ako pauwi.
Galing ako sa computer shop.
Dumaan ako sa eskinita, at pagpasok mula doon, dalawa ang daanan; diretso at likong kanan.
Kami ay nakatira sa daanang paliko ng kanan.
Natanaw ko ang ilaw na nakasindi, iyon ay ilaw ng tindahan ng aming kapitbahay.
Yung sa'min ay hindi naman nakasindi.
May naaninag agad ako...
Isang maitim na entidad.
Nakahawak sa pader.
Nakasilip siya, kaya kalahati lang ang kita sa katawan niya.
Kaya ko siya nakita, dahil maliwanag doon.
Bigla itong dumilat...
Kung ang mata natin ay kulay itim at puti, sa kanya nama'y dilaw at itim.
Hindi ako natakot, lumapit pa din ako, pero hindi sa kanya.
Kundi para umuwi.
Mas takot ako sa magulang ko kapag umuwi ako ng gabing-gabi, baka mapagalitan kasi ako.
BINABASA MO ANG
True Ghost Stories
HorrorI just want to share my "TRUE" to life horror stories that I experienced before. I'm not convincing anyone to believe, but all you are going to read here is TRUE. Sorry if I can't give you exact details like date/time/year happened, 'cause I already...