Unconfirmed Sickness

1.2K 72 9
                                    

Year 2008-2010. Elementary pa lang ako; Grade 5 & 6 ako noon. Noong panahon na iyon, minsa'y nagkakasakit ako ng hindi alam ang dahilan.

Ang gumagamot sa'kin ay ang kaibigan ng Mama ko, si Tita Claire.

Tita ang tawag ko sa kanya, dahil hindi magalang kung Ate lang ang itatawag ko.

Si Tita Claire ay parang may pagka-albularyo dahil sa kakayahan niya.

Kapag nagkakasakit ako, lalo na nung nagkaroon ako ng tagulabay; sakit sa balat na umuusbong at nagiging pantal, kapag kinamot, lalong kumakati at kumakalat sa buong katawan.

Ang laging sinasabi ng aking tita kapag nagkakasakit ako, humahaba daw ang isang hinliliit at hindi ito pantay.

Nangangahulugang nabati daw ako o na-engkanto.

Nagulat at natakot naman tinanong ng tita ko nung gumaling ako dati;

"May nakikita ka bang aninong maliliit sa dilim?"

Sinabi ko namang wala.

Ang ginawa na lang ay nag-alay ng iilang pagkain sa likod bahay namin.

Dahil doon ako madalas maglaro kapag wala ang aking kalaro sa bahay nila o kapag tinatamad sa loob ng bahay.

Mahilig din ako pumunta sa likod-bahay ng kapitbahay namin, at nandoon ako minsan sa nakasaradong balon na napapalibutan ng damo.

Madalas kong naiisip ngayon na baka doon ako nababati at nabibiktima ng engkanto kapag ako'y nakagambala.

True Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon