Rainy Night Visitor

2.4K 77 16
                                    

Maulan ng araw na iyon...

Naaalala ko pa na hindi ako nakauwi ng bahay noong araw na iyon.

Hindi ko matandaan kung kailan nangyari iyon.

Pero, June 2013 siya nangyari.

Isang gabi, malakas ang ulan, may bagyo din noon.

Hindi ako nakauwi sa'min, at gabing-gabi na, pumunta na lang ako sa bahay ng Lola ko para doon makitulog...

Pero, nahihiya akong tumawag sa pintuan nila, baka mapagalitan lang nila ako dahil gabing-gabi na ay naglalakad pa rin ako sa kalsada, tapos ay naulan pa.

Bago pa man ako kumatok at tumawag sa kanila sa loob...

May nauna na sa aking tatlong katok.

Imposibleng tito ko yun, dahil baka nasa kasarapan ng tulog sila...

Nagkamali ako, nagkakape pala ang tito ko nung araw na iyon.

Nang papasukin ako sa loob ng Tito ko, nagpaliwanag ako kung bakit pa ako nasa labas ng bahay ng ganung oras.

At sinabi nila sa'kin na galing ang tatay ko doon ng 11pm, pero 11:30pm ako ng makarating doon.

Nagpalit ako ng damit galing sa tito ko dahil basang-basa ako.

Pumunta ako ng banyo para isampay yung damit at shorts kong basa-basa.

 

Pagkasampay ko ng damit, sumara ang pinto ng malakas.

Naisip kong tito o lolo ko iyon na nagagalit sa ginawa ko ng hindi pag-uwi ng tamang oras.

True Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon