Ngayong year 2013 lang ito naganap.
Ewan ko ba kung anong buwan, nalimutan ko lang.
Basta gabi ito nung naranasan ko.
8:30pm ng matapos akong kumain.
Umakyat na ako sa ikalawang palapag ng bahay namin, sa taas.
Abalang naglalaro ako ng cellphone.
Pero ilang minuto lang ang lumipas, tinamad na ako.
Inaantok na ako, pero hindi ko pa gustong matulog.
Yung mata ko naman ayaw makisama, gusto agad pumikit at matulog.
Manonood pa kasi ako ng isang programa sa T.V ng 11pm ng gabi.
Sadyang hindi na kaya ng mga mata ko, kaya hindi ko na naramdaman na nakatulog na pala ako. Ngunit idlip lang iyon dahil minuto lang ang nakalipas, nagising din ako.
Bandang 10pm, nagising ako.
Ang puwesto ko ay nakatalikod mula sa T.V, hagdan at bintana.
Biglang naramdaman akong may tumabi sa'kin.
Umupo sa likuran ko nung eksaktong nagising na ako.
Hindi ko inintindi dahil baka si Papa o Mama lang yung umupo.
Pero nagkamali ako, nanonood din pala sila ng T.V sa baba.
Naisip ko tuloy, akala nung naupo sa likod ko ay natutulog pa ako.
BINABASA MO ANG
True Ghost Stories
HorrorI just want to share my "TRUE" to life horror stories that I experienced before. I'm not convincing anyone to believe, but all you are going to read here is TRUE. Sorry if I can't give you exact details like date/time/year happened, 'cause I already...