Alaw Ina Magnat

14.4K 131 120
                                    

The Curse of the Old Lady

May 10, 1976;
Nasagasaan ang isang matandang babae pero tinakbuhan ng nakasagasa. Bago namatay ang matanda tinuran niya ito: “Alaw Ina Magnat”, isang itim na dasal. Sa lahat ng nakabasa nito magpapakita ang matanda ng tatlong beses ng madaling araw! Tatabi sa'yo, duguan, humihingi ng tulong! Nangyari ito kay MARKY CIELO ng STARSTRUCK dahil hindi niya naipasa sa labing-pitong tao, namatay sa araw na December 7, 2008 ng 11:15pm, hindi siya nagising. Sorry, kailangan ko ipasa kasi ayon sa research, totoo ito! Naipalabas na ito sa NGINIG.

Nung nabasa ko iyan, nangyari sa'kin ang pagpaparamdam.

Isang gabi, taong 2012 ito. Hindi ko nga lang matandaan ang buwan.

Isang araw pagkatapos pumanaw ng tito ko, nakatira sila sa Olongapo.

Nagpunta sila Mama at Papa sa Olongapo para damayan si tita, samantalang ako, nagpa-iwan sa bahay.

11pm noon, nakikinig ako ng music sa cellphone ko, naka-earphone ako.

Maya-maya, bumaba ako para mag-kape.

Pagtapos kong uminom ng kape, umakyat na ako.

Bandang 12am, wala akong magawa, nakinig ako sa radyo, sa cellphone ko ulit, pagkatapos kong makinig ng isang program, nag-drawing na lang ako.

Mahigit isa o dalawang oras akong nag-drawing, pero patigil-tigil yun, dahil ginagalaw ko ang cellphone ko.

Bandang 1:30am, matutulog na sana ako.

Pero, nag-kape ako, dahilan para matagal bago ako makatulog.

Pinilit kong matulog, ipinikit ko lang ang mata ko, nang saktong 2am na, nagsimula na akong antukin, dahil nagpapalipas ako ng oras sa pakikinig ulit ng music.

Nang patayin ko ang ilaw sa kwarto, binuksan ko ang ilaw sa kabila.

Tapos, natulog na ako.

Nang biglang masira ang bentilador, hindi ko alam ang gagawin nung oras na iyon.

Pinilit kong galaw-galawin ang bentilador dahil ayokong gumamit ng pamaypay habang natutulog dahil nakakangalay.

 

Nag-text ako kay Mama kung ano ang pwedeng gawin sa electric fan dahil hindi umaandar.

Nagdasal ako...

Makalipas ang matagal na minuto, gumana na din.

Nagpasalamat ako sa Diyos.

Nang mahiga na ako sa kama, nagtalukbong ako ng kumot dahil natakot ako, para bang may naramdaman ako, walang hangin nung araw na iyon maliban sa electric fan, pero hindi ganun kalakas ang bentilador para lamigin ako ng ganoon.

Matutulog na sana ako...

Nakatalukbong ako noong oras na iyon, tapos may dumaan na itim na anino ng matanda, hindi ko makita ang hitsura, tanging source of light iyon at nakita ko kahit nakatalukbong dahil manipis ang kumot.

Biglang may gumalaw sa kama, para bang tatabi sa'kin.

Habang nararamdaman ko iyon, patindi ng patindi ang init ng kalamnan ko, pinapawisan din ako ng malamig.

Tumagilid ako, dahil inisip ko, baka sa paghinga ko lang ng malakas kaya nararamdaman ng tiyan ko ang pag-galaw sa kama.

Hindi ko namalayan, nakatulog na ako.

Nung magising ako ng 8am, basang-basa ang damit ko sa pawis.

Para bang isang bangungot ang nangyari sa'kin habang gising ako dahil uminom ako ng kape.

Pero nung nabasa ko sa isang website ito, napansin kong kapag binaglitad mo ang basa sa title na Alaw Ina Magnat, magiging Maniwala Tanga ito. Base sa kanilang research.

Mas mabuti ng mag-ingat sa pagbabasa ng text message sa cellphone, lalo na sa mga chain message.

True Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon