Curse of Book

1.1K 68 10
                                    

October 17, 2013 nangyari ito.

Kasabay ng pagbili ko ng libro sa bookstore.

Yung isang istorya ko pa dito sa True Ghost Stories na "Reading Alone", ito yung dapat idadagdag ko, pero mas pinili ko na lang na gumawa ng bagong part, at ito na iyon, as continuation.

Pagkabili ko nung dalawang libro, hinanap ko agad yung mga nakatabi pang ibang libro.

Pinagsama-sama ko.

Tapos napansin ko, bakit hindi pantay, mas maliit yung isa, at yun nga yung bagong biling libro.

Pero binasa ko pa din, dahil naisip na okay lang kahit hindi pantay tulad ng ibang librong nandoon.

Nalimutan ko kung anong araw noong September ko napansin na pantay pala ang libro!

Inaayos ko at tinitignan ko kung bakit nag-pantay na sa isa't isa at parehas na ang sukat.

Nagtaka tuloy ako...

Natatawa pa ako nung naisip ko na pati ba naman sa libro nagpapahiwatig at ang katotohanan na kapag na-engkanto ay nahaba ang isang hinliliit mo at hindi pantay.

Napaisip ako kung ganun ba ang nangyari sa libro.

Siguro nung araw na nabili ko iyon at ng makauwi sa bahay, at iyon ang senyales na nagparamdam na sa'kin ang multo.

True Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon