My Nephew's Playmate

4.5K 97 26
                                    

Natatandaan ko pa nung year 2009 ito nung nangyari...

Tungkol ito sa pamangkin kong lalaki.

Ngayon ay 5 yrs. old na siya.

Isang umaga, nagising ako, bandang 7am na nung mga oras na iyon.

Dumating ang kamag-anak ko galing sila ng Olongapo.

Tumayo ako dahil kapag dumating sila, lalo na kapag kasama yung pamangkin ko, nagigising agad ako.

Para bang, sila yung nagiging alarm ko pag nandoon na sila sa bahay namin.

 

Bandang tanghali noon...

Oras na para mag-tanghalian kami, tapos tinawag ko ngayon yung pamangkin ko.

Nakita ko siyang nandoon sa sulok, basta may laruan siya at doon naglalaro, pagkatawag ko, tumayo na din siya.

Hindi pa man siya nakakalapit sa'kin, nagsalita siya pero hindi mo maiintindihan dahil bata pa...

"Lika". Halika ang ibig niyang sabihin.

 

Nagtaka ako, wala namang ibang bata doon kundi siya lang at wala akong pinapapasok na bata o kahit kalaro ko man lang at lalong hindi pupunta sa isang sulok kung isang bisita.

Naalala ko bigla na doon ako nagtatago kapag hinahanap ako ni Papa o Mama.

Kapag titingin din ako doon lalo na nung maliit ako, parang hindi makatagal ang mata ko na tignan ang sulok na iyon.

At kapag nandoon ako, malamig ang sulok na iyon.

Siguro, kaluluwa iyon ng isang bata na doon dati nakatira, may iba ng nakatira doon dahil nakalipat na kami, halos 5 taon na kaming wala sa bahay na iyon.

Hindi ko din naitanong sa may-ari ng bahay kung meron bang ibang tumira doon na may kasamang bata bukod sa pamilya namin.

True Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon