History of Place

1K 49 7
  • Dedicated kay Marylyn Jose
                                    

Ililihis ko ng kaunti ang nilalaman ng kuwento, lalo na sa pangalan ng lugar, kung saan nakatira ang buong pamilya nila Marylyn.

Taong 2012 ng ikuwento niya sa'kin ang pinagmulan ng buong lugar na kung saan, kasama ang puwesto ng kanilang bahay na saksi sa mga pangyayari noon.

Ibinahagi ni Marylyn sa'kin ang nalaman niya mula sa kanyang tatay.

Noong panahon ng Kastila, ang lugar na kinatitirikan ng mga bahay ay dati palang gubat.

Dito daw madalas dumaan ang mga Kastila at kung sino pa man na mapadaan sa nasabing lugar.

Kapag may nahuhuling tulisan o nakaaway ang mga Kastila, pinaparusahan nila ito o hindi kaya'y pinapatay sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo. Saksi din ang balon sa karahasang ito dahil doon itinatapon ang mga pugot na ulo.

Lumipas ang panahon at nagbago na ang lugar. Madaming bahay ang nakatirik at itinayo doon at malapit ang balon sa bahay nila Marylyn.

Ngunit isang umaga, hindi pa man sumisikat ng mataas ang araw, nag-iigib ng tubig sa poso ang kanyang tiya sa labas ng bahay nila, nang makita niyang may pugot na ulo sa taas ng balon. Nagmadali ang kanyang tiya sa pag-iigib dahil sa takot at ikinuwento niya kay Marylyn ang kanyang naranasan.

Maraming misteryo at kababalaghan sa lugar ang kailangan pang matuklasan, dahil mayroon itong istorya ng nakaraan na nabaon ngayong kasalukuyan.

True Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon