Strange Laugh

1.9K 76 16
                                    

Nangyari ito ngayong October 20, 2013 at kaninang 1:30am ng madaling araw lang.

Kakatapos lang namin manood ng isang programa sa T.V at pagkatapos ay nagpahinga na sila.

Samantalang ako nagamit pa din ng cellphone.

Nag-aayos at pinagsusunod-sunod ko ang mga pangyayari sa istorya kong "Footstep", nang may biglang narinig ako...

Isang malakas na tawa.

Malapit sa'kin.

Sa mismong tainga ko pa.

Kinilabutan at nag-init ang kalamnan ko pagkatapos marinig iyon.

Ayaw mai-save nung istoryang "Footstep", dahil message full memory na pati yung drafts folder.

Napilitan akong burahin at ito muna ang ipalit at unang i-save para hindi ko malimutan.

Dahil mas natakot ako sa malakas na tawa na ako lang ang nakarinig.

True Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon