Kabanata 1

2.1K 76 11
                                    

Ito na po ang unang kabanata ng 3rd sequel ng Secyion I-A. Para hindi kayo mabitin sa AASBM haha! Happy reading!
***

Changed

Chester's Pov


Napatingin ako sa paligid ng lugar. Wala ni isang katao ang dumadaan, mga papel na lumulutang sa kapaligiran, mga kotse na nagbabanggan, mga maruruning kalsada at iba pa.


Nagsimula akong humakbang papalabas sa hospital. Napatingin ako sa ivaba at nakita ko ang aking paa na walang suot. Umaapak ito sa maruming kalsada. Muli akong napatingin sa dinadaanan ko.


Parang isang haunted na lang ang buong paligid. Naguguluhan na talaga ako, ano ba ang nangyayari ngayon dito?


"Urrgghhh!" bigla akong napatingin sa pinanggalingan ng tunog.


Nakita ko ang isang zombie na puro dugo ang kanyang bibig at may hawak na karne sa kanang kamay nito. Nanlaki ang mga mata ko at agad na hinanap ang mata ko ang isang kotse. Dali-daliakong nagtatakbo doon at pumasok sa loob.


Kinapa ko ang gilid ng manubela kung andun ang susi ng kotse at nung nakapa ko na meron nga agad ko itong pinaandar.


Bago pa ako maka-alis doon ay lumitas ang zombie sa salamin ng kotse at pinaharurut ko na ang kotse ko patubngo sa bahay namin.


Habang nakabyahe ako ay inon o ang radyo sa kotse. Wala ni isang stasyon ang naguulat kung ano ang nangyayari ngayon dito sa lugar na ito.


Napatingin muli ao sa dinadaanan ko at nakita ko ang isang zombie sa daan na kinakain ang isang tao na nakahandusay sa daan.


Humigpit ang hawak ko sa manubela at maslalo kung diniin ang paa ko para maslalong bumilis at minaneho ko ito patungo sa zombieng iyon at sa inaasahan ko tumilapon ito kung saan.


Nakarating ako kaagad sa tapat ng bahay ay pinar o ang sasakyan sa tapat nito at agad na tumakbo papunta sa loob ng bahay. Agad na hinanap ng mga mata ko ang magulang ko.


"Ma!" sigaw ko sa loob.


Walang sumagot. Pumunta ako sa kusina at wala akong nadatnan na tao doon.


May narinig akong kumalabog sa itaas kaya naman agad kung kinuha ang kutsilyo na nasa mesa namin at dahang-dahan na naglakad papunta sa itaas habang nakatutpk ang kutsilyo sa dinaraanan ko.


Nang nakarating ako sa itaas ay pumunta ako sa isang kwarto. Pinihit ko ng dahan-dahan ang siradora nito at sinilip ang loob ng bahay. Wala akong nakita kaya pumunta ulit ako sa isang kwarto kung saan yun ang kwarto ko.


Pinihit ko muli ang siradora nito ng dahan-dahan at sinilip ung may tao. Bigla akong napatakip ng bbig ng may nakita ako isang babae na nakahandusay sa sahig ng kwarto ko. Agad akong nagtatakbo papunta doon at ipintaong ang ulo ni Mama sa lap ko.


"Ma, ma!" usal ko sa kanya at tinapik-tapik ang pisngi nito.


REBORN (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon