Kabanata 9

1.3K 58 4
                                    

House

Chester's Pov


Napahawak ako bigla sa bandang ulo ko. Medyo nanlalabo ang aking mga mata dulot sa sakit sa aking ulo. Unti-unting nagiging malinaw na at bumulagta sa harapan ko ang mukha ng isang lalaki. Si Drake!


"An-anong nangyari?" tanong ko tyaka medyo umling-iling ng kaunti para maibsan ang sakit na dulot nito.


"Nadulas ka kanina at buti na lang may tumulong sa atin." pahayag sa akin ni Harlyn.


Napasulyap ako kina Rica sa kinaroroonan nila. Nagmamasid sila sa bintana habang nakatingin. Biglang napatingin si Krisanta sa akin at agad na lumapit tyaka lumuhod sa harapan ko.


"Ok ka na ba?" tanong nito sa akin.


Tumango lng ako at iginala ang aking paningin sa loob ng kinalalagyan namin. Nakita ko ang chandelier na ilaw doon na nakasabit. Unti-unting nagawi ang mga mata ko sa may hagdanan. Nagtataka ako kung paano kami napunta dito sa lugar na ito.


"S-sino 'yung tumulong satin?" tanong ko.


Nginuso ni Drake ang tao na kung saan nakapatong ang ulo ko sa kanyang lap. Bigla kung nakita ang mukha ng isang lalaki doon. Ngumiti siya sa akin, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko at hindi ako makapaniwala.


"S-sir JP?" glat na tanong ko.


Ngumiti ito sa akn. Unti-unti akong umupo, inanalayan niya ako sa pag-upo habang nakaharap sa kanya.


"P-paano-"


"Tulad rin sa inyo. Nakaligtas ako." aniya.


Tinikim ko ang bibig ko at hindi na muling nagsalita pa.


Harlyn's Pov


"Si Chester!" sigaw ko sa kanila ng nakita kung lumagapak ito sa sahig.


Agad na nagtungo si Drake sa kinaroroonan niya. Lumapit narin ako sa kanilang dalawa, lumuhod ako at tinignan si Chester na walang malay sa sahig habang ang mga kaibigan ko ay nakikipaglaban sa mga lobo.


"Hey, ok ka lang ba." ani Drake habang tinapik-tapik niya ang pisngi nito para gumising.


Wala paring response. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinaramdaman ang palapulsuhan nito. Pumipitig parin ito. Muli kung hinawakan ang pisngi rin ni Chester at tinapik-tapik.


"Chester, gumising ka. Chester." usal ko habang patuloy parin sa pagtapik.


Tatapikin ko na sana siya ng bigla hinawakan ni Drake ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang umiling. Nagulat na lang ako ng bigla na lang niyang binuhat si Chester at nilagay sa kanyang likod.

REBORN (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon