Kabanata 11 (Part 2)

922 40 6
                                    


Village 2


“Papa” mahinang sambit ko.


Napakurap ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko na andito sa harapan ko ang ama ko. Hindi ako makapaniwalana dito ko lang siya makikita.


Unto-unti itong lumapit sa kinaroroonan namin.


“Gov, pilit na tumatakas itong batang ito” ani nung na nasa itaas.


Naptingin sa akin si Papa. Nagtama ang paningin naming dalawa. Hind ako nakagalaw ng unti-unti siyang lumapit sa kinaroroonan ko.


“Son” sambit nito.


Ibinalot niya ako sa kayang bisig pero ako? Nanatili lang na nakatayo at nakatulala sa mga nangyari. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.


“Ha?” narinig ko ang pagtataka sa boses ni Logan pati narin ang iba pang mga kasamaha namin.


“Kumusta ka na?” tanong nito sa malumanay na boses.


Tinitigan ko lang siya sa kanyang nga mata at hindi nagsalita.


Umalab ang galit sa aking sistema ng bigla kung naalala si Mama. Wala na siya. Paano niya naatim na iwan ito at isalba ang kanyang sarili. Makasarili siya!


“A-anak” nabasag ang tinig nito.


Tumulo ang mga luha ko at agad na pinalis ito.


Umikot ang panigin ko at naging itim ang buong paligid at nawalan na ako ng malay.


Nagising na lang ako ng may biglang tumapik sa aking pisngi. Tumambad si Harlyn at si Rica na nagbabantay sa akin.


“Ok ka na ba?” tanong ni Rica. Tumango ako.


“Medyo nahihilo lang pero kaya ko naman”sagot ko at iginala ang paningin ko sa loob. “Asan sila?” tanong ko. Nagkatinginan ang dalawa.


“Nasa labas. Nagdidiwang” sagot nito.


Bumagsak ang balikat ko. For the mean time hindi ko muna sila pipilitin na umalis dito. Pero pagkatapos nito aalis rin kami kaagad. Ayaw kung dito kami mamatay, ayaw kung dito magtatapos ang aking buhay. Kailangan naming makalayo dito sa lugar na ito.


“Bakit kayo andito? Bakit hindi kayo sumama sa kanika?” tanong ko.


Napabuntong hininga naman ang mga ito.


“Nakakabagot naman doon eh kaya mas pinili na lang naming bantayan ka.” Ani Harlyn. Ngumiti siya sa akin, ginantian ko rin ito ngiti.


“Thank you.” Pasasalamat ko. Tumango ang mga ito.



REBORN (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon