Kabanata 3

1.6K 62 20
                                    

Escape

Chester's Pov


Nang nasa pinakaitaas na kami ay kinuha ko ang kamay na nakalahad sa akin. Tinulungan nila akong makapunta sa roff top pero laking gulat ko na lang ng may mga baril na nakatutok sa akin.


Inangat ko ang akng dalawang kamay. Hinawakan nila ang mangas ng aking tshirt at tinayo nila ako. Kinuha rin nila ang bag ko at tinignan kung anong laman iyon. Kinapkapan nila ako ng makita nilang wala akong dalang deadly weapon ay binitawan rin nila ako.


Lumapit ako sa bag ko at kinuha ko iyon. Tinignan ako ng lalaking tumulong sa akin kanina. Nginitian niya ako pero ako nakatingin lang sa kanya.


"Taga saan ka?" tanong nito.


Sinabi ko na taga Meanville ako. Sinabi ko kung paano ako napunta dito kung ano ang nangyari sa akin.


"Ikaw 'yung tumawag kanina?" tanong nito at pinakita ang woki-toki sa kanyang bulsa.


Nagulat ako sa nakita ko. Ibig sabihin sila pala iyon. Hindi ako makapaniwala na may kasama pa pala akong nabubuhay dito. Ibig sabihin marami pang mga survivors na nandito?


Naglakad kami papasok sa building.


"Ano bang nangyayari?" tanong ko habang naglalakad kami.


"Hindi rin namin alam. Ang alam lang namin aymay virus na kumalat at iyon ang sanhikaya naging ganito ang mga tao." aniya.


Virus? Anong virus?


"Dito kami nagsstay. Safe naman kami dito kahit papaano." usal nito. Napatingin ako sa paligid.


Gumawi ang mata ko sa bandang kanan at nagulat ako ng nakita ko ang mga zombie na nasa glass na pader. Hindi safe ito dahil hindi mo alam kung baka mamaya ay mababasag na ang salamin na nagmimistulang harang.


"Sa ngayon safe kami pero kapag nabasag na iyan alam kung katapusan na namin." sabi niya.


Hindi na lang ako nagsalita at sumunod na lang sa kanila. Binuksan nila ang ilaw at bumungad ang mga iba't ibang bagay. May mgaupuan, table at iba pa. Talagang andito na ang kakailanganin nilangmabuhay.


"Dito kayo natutulog?" tanong ko.


"Yep." aniya.


May narinigakong nagcrack. napatingin ako sa mga zombie at napaatrs. Medyo nababasag na ito. Naramdaman kung may humawak sa balikat ko kaya napatingin ako doon.


"Wag kang mag-alala hindi pa iyan mababasag. Pero dapat kailangan nating makahanap ng paraan para maka-alis na dito." aniya. Tunanguhan ko lang siya.


"Drake nga pala." pagpapakilala niya sa sarili at inilahad ang kanyang kamay. Kinuha ko naman ito.

REBORN (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon