Kabanata 12 (Part 1)

1K 40 13
                                    

Zombie

Chester's Pov

Gabi na ng pinagpasyahan naming pumunta sa kasiyahan kesa naman andun na lang kami sa loob at boring na kwarto tyaka isa pa gusto ko ring magenjoy ang mga kasama ko bago kami umalis dito sa lugar na ito.

Tumambad sa amin ang mga taong nagsisiyahan at nasasayawan.

“Ches” napalingon ako sa nagsalita. Si Drake. Ngumiti ako sa kanya. “Kamusta ka na?”

“Fine” malamig na sa sagot ko at tumalikod na pero hinawakan niya ang aking kamay. Nabigla ako sa kanyang ginawa.

“Are you ok?” mataman niyang tanong.

Halos mapairap ako sa kanyang tanong. Paulit-ulit?

“Oo nga!” sagot ko at winaksi ang kanyang kamay tyaka naglakad palayo sa kanya patungo kina Rica at Harlyn.

“Oh anong pinag-usapan niyo?” tanong kaagad ni Harlyn sa akin.

“Wala” simpleng sagot ko at umupo na.

“Alam mo sobra ang pag-alala nun sayo eh” ani Rica. “Ewan ko ba sa kanya”

Hindi ko siya pinansin itinuon ko ang aking paningin sa mga taong nandito ngayon. Gumawi ang mga paningin sa sa Gov. Nagtama ang aming mga mata pero agad aking umiwas at tinignan kung nasaan sila Logan at Ken. Sumulyap ako kay Drake na ngayong may kasayaw na babae. Nagtama ang aming mga mata at agad siyang lumayo sa kanyang kasayaw. Umiwas naman muli ako ng tingin at tinignan si Krisanta na may kausap na babae at si Mariela.

“Kailan tayo aalis?” tanong no Harlyn.

“Hindi ko pa alam. Basta aalis tayo dito soon. Delikado sa lugar na ito hindi naman tayo pwedeng manatili sa lugar na ito habang buhay” sagot ko.

“Pero paano ang Tatay mo?” biglang tanong ni Harlyn. Napatigil ako.

“Wala akong Tatay” mas malamig pa sa yelong sagot ko.

Tumayo ako at umalis sa kinaroroonan nila. Gusto kung gumala sa lugar na ito para maobserbahan kung may kakaiba ba dito.

Naglakad ako patungo sa kabilang banda ng Village. Hindi naan madilim dahil may mga street light naman ito. Napatingin ako sa mga nagbabantay at nagulat ako ng wala sila doon. Agad akong tumakbo papunta sa itaas para tignan sila. Hindi ko kasi sila nakita doon sa kasiyahan!

Tinignan ko sila sa baba. Laking gulat ko ng nakita kung nakahandusay na sila doon.

Sht!

Napamura ako sa nakita ko.

May nakapasok ng mg zombie. Sabi ko na nga bang hindi safe irong lugar na ito.

Tatalon na sana ako ng biglang may tumawag sa aking pangalan.

“Ches!” napalingon ako at nakita ko si Drake na tumatakbo papunta sa akin.

Hindi ko siya pinansin at tumalon. Pagtalon ko ay pumunta ako sa katawan nila at kinuha ang dalawang pistol dito. Umakyat muli ako.

Iginayak ni Drake ang kamay niya para tulungan ako. Kinuha ko ito at hinila niya ako pero mali ang ginawa niyang paghila. Tumama ako sa kanyanh dibdib. Agad akong lumayo sa kanya. Lalaki kami

“Ito oh” sabi ko at ibinigay ang pistol sa kanya. “May mga zombie na nakapasok. Kailangang mapatay bago may madamay!”

Tumango ito at nginitian ako. Kinunutan ko siya ng noo at halos mapairap.

***

REBORN (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon