Kabanata 11 (Part 1)

905 46 1
                                    

Village 1

Chester's Pov

Nagiskng ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Unti-uni ung minulat ang dalawang mata ko at tumambad ang puting kisame.

Kinusot ko ang mga mata ko at umupo sa malambot na kama?

Paano ako napunta sa ganitong lugar? Tanong ko sa isip ko.

Bigla na lant nagflashback ang huling nangyari bago aoo napunta dito sa lugar na ito.

Halos mapamura ako at agad nagtatakbo papunta sa pintuan. Halos masilaw ako sa liwanag na nagmumula doon kaya napapikit ako. Unti-unti ko rin itong minulat.

Tumambad sa akin ang mga taong naglalakad doon. Iginala ko ang mga mata ko sa lugar kung nasaan ako ngayon.

This is a Village. Saang lupalop ako napunta? Saang lugar ito? Nasaan ang mga kasama ko?

Napatingin sa akin ang mga iilang tao doon.

"Finally your awake." Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Krisanta?" Nagtatakang tanong ko. Ngumiti ito at tumango. Tumabi siya sa akin at tinignan ang buong palagid.

"Great right? Buti na lang napunta tayo sa ganitong lugar. Parang ayaw ko ng umalis pa dito. " masayang pahayag nito.

Umiling ako kaagad sa kanyang sinabi.

"Hindi maari." mariing pahayag ko dito.

Napatingin ito sa akin at nagtaka.

"B-bakit?"

"Iba ang pakiramdam ko dito sa lugar na ito." sagot ko.

Hindi ko alam kung tama ba ang instinc ko. Parang 'ok naman dito, maayos, tahimik at walang zombie na sumasagabal.

Biglang napadako ang tingin ko sa hindi kataasang gusali na malapit ng magiba. Nakita ko doon ang isang lalaki at dalawang lalaki doon habang may hawak na baril.

"Bakit pa tayo aalis. Ligtas na tayo dito." Sagot ni Krisanta na hindi ko pinansin.

Naglakad ako papunta doon.

Nang nakarating ako sa gusali ay agad akong umakyat. Sinilip ko ang nandun at agad na nanlaki ang mga mata ko.

Hindi talaga kami ligtas dito!

Itong gusali lang na tinatapakan namin na malapit ng bumigay ang nagmimistulang pader para hindi makapasok ang mga zombie.

Kung bibigay ito wala na kaming kawala dahil ang Village na ito ay nasa corner.

Nagulat ako ng biglag may isang zombie na nagpakita at naglakad papunta dito.

Halos mapatalon na lang ako sa gulat nung narinig ko ang pagputok ng baril. Shit!

"Anong ginagawa mo dito? Bawal ka dito." Ani nung babae.

Hindi ko ito pinansin bagkus ay umakyat ako para tumalon at makaalis. Hindi naman gaanung kataas ito kaya kayang-kaya ko.

"Hoy! Anong ginagawa mo!?" Sigaw nung lalaki.

Nilingon ko siya na walang bakas na emosyon ang nasa mukha ko.

"Aalis na ako dito!" Sigaw ko.

Biglang sumagi sa isip ko ang mga kasamahan ko. Hindi ko sila pwedeng iwan!

"Bumaba ka!" Sigaw nila.

May mga tao nang nanunuod sa amin.

"Chester! Bumaba ka!"

Napalingon ako sa sumigaw at nakita ko ang mga kasamahan ko na nakatingin sa akin.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na bumaba at nagtungo sa kanila. Agad nila akong niyakap.

"Ano bang ginagawa mo!? Nahihibang ka na ba!" Sigaw ni Carnleigh.

Umiling ako.

"Hindi tayo ligtas dito. Tumakas na tayo!" Sagot ko.

Hinawaka ko ang kamay nito at hinila. Hindi pa kami nakakaakyat ng bigla nitong iwinaksa na aking ikinagulat.

"No!" Matapang na pahayag nito.

"Pe-pero-"

"Hindi kami sasama. Hindi mo ba nakikita? Maayos itong lugar na ito. Sakto lang para sa atin. Walang zombie, may mga pagkain at makakapagpahinga ka pa ng maayos! Ano pa bang kailangan mo at bakit pa aali!? Andito na lahat!" Sigaw ni Carnleigh sa akin.

Napapikit ako at umiling.

"H-hindi niyo alam. Hindi niyo alam, hindi tayo ligtas dito." sagot ko.

Biglang may pumalakpak. Napatingin kaming lahat doon sa nag-iisang tao. Ganun na lang ang pagkagulat ko ng nakita ko siya.

"Papa"

***
Maraming typos at grammras alam ko. Sorry cellphone lang ginamit ko. May Part 2 pa ito.

REBORN (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon