Kabanata 7

1.2K 59 5
                                    

Comment for dedication.
***

Armageddon

Chester's Pov


Dali-dali kaming nagtago sa iba't-ibang sulok ng lugar na iyon. Pumunta kami ni Ken sa isang sasakyan at doon nagtago. Itinaas ko ang armalite ko at sumilip doon sa helecopter. Nakita kungpapaliko ito.


Napatingin ako sa katabi kung si Ken at mukhang nakuha naman niya ang gusto kung ipahiwatig sa kanya. Tumango lang ito at sabay kaming tyumayo tyaka binaril ang umiikot sa tuktok ng helecopter na iyon yung nagsisilbing nagpapalipad doon.


Nang nakita naming itinutok ulit ng isang sundalo ang ang kanyang baril sakinaroroonan namin ay agad kaming nagtago ulit sa gilid ng sasakyan bago pa tumama ang mga baril sa kinaroroonan namin. Inaabot namin ang hininga namin.


"Kailangan nating mawasak ang nasa tuktok kahit isa man lag doon ay mawawalan sila ng balanse." sabi ko sa kanya.


Tumango lang ito.


Hindi nanamin inisip kung ano ang mangyayari sa taong andun basta ang gusto lang namin ay mapatumba sila.Kahit nabubuhay pa sila ay gusto namin silang mapatumba dahil kung hindi namin gagawin iyon ay kami ang kanilang papatayin.


Kaya kailangan namin silang mahunahan bago mangyari iyon.


Tumayo ulit kami ni Ken at itinutokang aming mga baril doon sa helecopter. Nawalan ako ng bala kaya nagreload ulit ako pero habang nagrereload ko ay napatingin ako sa helecopter ulit na papaliko patungo sa amin at nakatutok ang baril ng sundalo sa amin.


Hindi agad ako nakabawi doonpero buti na lang andito si Ken sa tabi ko kaya bago pa tumama ang bala sa akin ay nakatago na kami ulit. Kinakapos na ako sa hininga pero kinakaya ko lang. Kunti na lang at mawawasak na namin iyon.


"Ok ka lang?" tanong niya sa akin.


"Oo, salamat." pahayag ko sa kanya at tipid akong ngumiti.


Habang nagrereload ako ay napatingin ako sa kanyang kamay. May nakita akong isanglikod na umaagos ito. Unti-unting tumaas ang paningin ko sa kanyang balikat at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Umaagos ang dugo sa kanyang balikat dahil sa tama ng baril.


"Shit! Natamaan ka!" sigaw ko sa kanya.


Napatingin sa amin ang mga ilang kasamahan namin na nakatago sa iba't-ibang sulok. Nakita ko ang pangamba sa kanilang mga mukha habang nakatingin sa amin.


Lalapit na sana si Carnleigh sa amin ng biglang sumenyas si Ken na hindi kaya nanatili na lang siya sa kinaroroonan niya at tanging pagsulyap na lang ang kanyang ginawa.


"K-kaya ko pa." usalnito sa akin.


Hinawakan ko ang kanyang balikat kung saan natamaan ito. Napadaing siya dahil sa sakit nito pero tiniis lang niya.


REBORN (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon