Kabanata 8

1.3K 52 3
                                    

Alam kung maraming typos and grammars. Sorry intindihin niyo na lang hindi kasi ako nag-eedit kapag naguupdate basta kapag meron na update na agad ganun ako eh. Nag-ieedit na lang ako kapag tapos an ang stories. Haha! Paki intindihan na lang. Lab you!

***

Past

Chester's Pov


Itinutok ko ang baril na hawak ko sa isang zombie na papunta sa amin at saktong nabaril ang ulo nito kaya natumba ito sa sahig.


Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang mga kasamahan ko na nakikipaglaban rin sa mga zombie. Binaril ko ulit ang mga zombie na papunta sa amin. Ganun lang ang mga ginawa namin at hindi kami tumigil dahil kapag titigil kami ay tyak na katapusan nanamin.


Nahagilap ng mga mata ko ang isang matraas na building. Bukas ang pintuan nito. Napalingon muli ako sa mga kasamahan ko at nakita kung hirap na hirap na sila.


"Mga kasama!" tawag ko sa kanilang lahat.


Napalingon silang lahat sa akin. Itinuro ko ang building na nakita ko. Hindi na kami nagdalawang isip na pumasok doon. Isinara namin ang pinto. Nilagyan namin ng kaghot ang pintuan nito para hindi makapasok ang mga zombies. Nilagyan rin namin ng mga sofa na nasa 1st floor para maslalong hindi sila makapasok.


Nang natapos na naming gawin iyon ay napatingin kami sa loob ng building. Patay sindi ang mga ilaw dito.


Sa unang palapag ay wala kaming nakitang mga zombies kaya naman napagpasyahan naming magtungo sa ikalawang palapag ng building na ito.


Dahan-dahan kaming lahat sa pag-akyat ng hagdanan patungo doon. Nang sa wakas ay nakalapg na kami sa pangalawa ay dahan-dahan akong sumilip sa tabi ng pader para tignan kung may zombie ba at nung nakita kung clear ang lahat ay tuluyan kaming pumunat sa pangalawa.


"This is a safe place right?" tanong ni Rica.


Napatingin ako sa kanya at nakita kung magkasama sila ng kanyang pinsan na si Mariela. Hindi ako nagsalita sa kanyang sinabi dahil hindi ko alam kung safe ba o hindi dito sa lugar na ito.


Naglibot-libot kami sa pangalawang palapag. Nagtungo kami ni Drake sa kabilang side para makahanap ng pagkain man o mga kakailanganin namin. Lumiko kami pakanan at saktong may nakita kaming telepono doon.


Agad kaming nagpunta sa kinalalagyan ng telepono at kinuha iyon. Kinuha ko ang log book kung saan andun yung mga numero ng mga nagcheck in dito sa hotel na ito para isa-isa naming tatawagan at kung meron mang sumagot baka buhay pa ito.


Tumingin ako ng isang numero para sana idial pero biglang namatay ang ilaw sa buong palapag. Napaatras ako dahil sa takot na nararamdaman ko. Ano kaya ang nangyari bakit nawalan ng ilaw?


"Chester?" tawag sa akin ni Drake.


"Andito ako." sagot ko.


Kinapa ko ang table kung may makita ako at saktong may nahawakan akong isang parihaba at pabilog ang shape nito. Alam kung isang flashlight iyon kaya hinanap ko ang pag-onan nito at iyon ang mistulang naging ilaw namin.

REBORN (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon