Kabanata 14

225 11 5
                                    

"Ano?!" Sigaw ko kay Rica sa kanyang sinabi.

Sinabi niyang patay si Reynalyn at nakita ang bangkay niya sa likuran. Nilingon ko ang mga kasama ko pati sila ay nagulat.

"Nakagat ba siya ng zombie? Ano?!" Naluluha na ako sa balitang sinabi niya sa akin. Kanina kasama lang namin bat ganun na ang nangyari.

"Hi—hindi ako sigurado pero I think hindi zombie." Sagot nia na naguluhan ako.

Pati sila Krisanta at Drake ay naguguluhan. Hindi na namin alam ang gagawin. Madaming mga zombie sa labas hindi namin alam kung paano kami makakalabas sa lungga naming ito.

Napamura ako ng ilang beses. Hindi ko na alm ang gagawin ko. Bakit ganito ang kahinatnan ng mundo? Bakit napakamalas?

"Sinaksak siya. Hindi ko alam kung sino. Isa lang ang sigurado ako, hindi zombie kundi tao." Muling pahayag niya.

Tinignan ko ang mga kasama ko. Lahat sila ay ganun din ang reaksyon hindi makapaniwala sa sinabi ni Rica. Pati ako ay hindi.

"Tao? Edi sino?!" Frustrated na sabi ko. Ginulo ko ang buhok ko at naglakad-lakad sa harapan nilang lahat. Para na akong tanga doon at baliw sa kakaisip ng kung ano-ano.

"Ches, umupo ka muna." Ani Drake. Nilingon ko siya at agad na tinabihan.

"Sigurado ka ba jan?" Napalingon ako kay Logan na nagsalita.

Kung ganun isa sa amin? Naguguluhan ako hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa ngayon, kung ang pagtakas ba namin dito sa lungga na pinamamalagian namin o di kaya kung sino ang pumatay sa kasamahan namin.

"Sigurado ako. Wala akong nakitang ni isang kagat kundi ang saksak lang."

Muli kong ginulo ang buhok ko. Tangina, ang hirap ng ganito. Bakit ganito na ang nangyayari.

Mabilis nanamang sumapit ang gabi. Lahat kami ay nasa sala lamang. Kumain na din kami, niluto na namin ang natitirang pagkain sa ref. Kailangan na naming makaalis ngayong gabi na ito kundi ay mamamatay kami.

"Sigurado na ba kayo sa gagawin natin?" Nilingon ko si Harlyn. Nakasuot siya ng itim na leather jacket habang naka-itim na pantalon at sapatos, may itim din siyang ribbon sa kanyang buhok.

"Oo, kailngan na nating maka-alis dito mgayong gabi kundi ay isa-isa tayong mauubos " Pahayag ko.

Kinuha ko ang pistol at nilagay sa bewang ko tyaka ko hinawakan ang shot gun. Nilingon ko din si Krisanta habang may hawak na isang baril at katana sa kanyang likod. Tumango lang ito sa akin.

Tumabi si Drake at hinawakan ang likod ko. Napalingon ako doon.

"Kaya natin 'to. Kakayanin natin 'to." He said while smiling. Tumango ako at ngumiti.

Sana huli na si Reynalyn na nawala sa amin. Sana wala ng mawal sa amin pa, sana makaligtas kaming lahat.

Dumungaw ako sa bintana at nakita ko ang iilang mga zombie na naglalakad. Meron din sa pintuan namin na dalawa kumakaluskus.

"Ready na ba kayo?" Tanong ko.

Nagsilapitan na silang lahat sa akin. Lahat kami may kanya-kanyang sandata para sa pagpuksa bg mga zombie na madadaanan namin.

Sabay-sabay silang tumango bilang sagot. Tinanguhan ko din sila.

Let the game begin.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

REBORN (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon