Kabanata 10

1K 56 7
                                    

Kidnapped

Hi  everyone! Alam kung hindi ako naging active this past few days, marami kasing ginagawa eh. Hope you'll understand.

***

Chester's Pov

Nakita ko kung paano nila kunin ang mga kasamahan ko. Nakahalukipkip lang ako sa gilid ng ref havang tahimik at nanginginig ang mga kamay pati narin ang tuhod ko. Hindi ako pwedeng magpakita sa kanila, alam kung kukunin rin nila ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sa amin. Kailangan kung manatiling buhay para mailigtas ko sila.


Nung abala sila sa pagkuha sa aking kasamahan ay dahan-dahan kung inapak ang aking paa para maka-alis sa kinaroroonan ko dahil anytime ay makikita nila akong nandun kaya bago pa mangyari iyon ay dapat naka-alis na ako.


Dahan-dahan akong naglakad, maiangat ako sa lahat, hindi ko hinayang magproduce ng kung anumang tunog sa aking pag-alis.


Napatingin ako ng diretso sa aking side at may nakita akong kwarto doon. Napatingin muli ako sa mga armadong tao na kumukuha sa aking mga kasamahan. Muli kung nilingon ang pintuan at binilisan ang bawat hakbang ko hanggang sa nakarating ako sa tapat nito at agad ko itong binuksan,


Isinara ko kaagad nito at napasandal at napa-upo.


Bigla akong naalarma kaagad ng biglang may kunatok dito. Agad akong napatayo at na[atingin doon tyaka napaatras bigla.


"May tao ba 'jan?" tanong nito.


Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng napasukan ko. Nakita ko ang mga iilang mga kaserola, pinggan, kutsara, tinidor, kutsilyo at iba pa. Napasukan ko pala ang kwarto kung saan naglalaman ang mga ginagamit nila kapag kumakain.


"Ano sigurado ka bang nakita mong nagsara ito?" tanong ng isang tinig na nagmumula sa labas ng pintuan.


"Oo pre. Kitang-kita ko." sagot ng isa kanina.


"Sige, umalis ka jan. Gigibainko ang pintuan kung may tao talaga." sabi nung lalaki.


Agad akong naalarma sa narinig ko. Nagtungo ako sa mga kutsilyo at kumuha ng isa tyaka ako nagtago sa ilalim ng lamesang mahaba doon. Humalukipkip ako muli sa isang sulok tyaka tinikom ang bibig ko.


Narinig ko ang tunog ng pintuan habang ginigiba nila nito. Bawat tunog na naririnig ko ay kinakabahan ako. Paano na lang kung makikita nila ako dito? Saan nila kami dadalhin? Ano ang gagawin nila sa amin?


Napapikit na lang ako at napayakap ng tuhod nung narinig ko ang pagbagsak ng pintuan. Para akong bata doon na nanginginig sa lamig pero ang pinagkaiba lang ay nanginginig ako dahil sa takot.


'Please sana walang manmgyari sa akin, sa amin na masama.' sabi na lang ng isip ko.


"Kung may tao man dito, sumuko ka na para hindi ka masaktan!" sigaw nung lalaking pumasok.


REBORN (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon